Samu't sari sa LRT 10: Pasensya - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Thursday, June 25, 2009

Samu't sari sa LRT 10: Pasensya

As usual, I was early today for office. Pagtawid ko pa lang, madami ng tao sa kalsada..F*ck! Sira na naman ata ang LRT..Quick think: Mag-jeep na lang kaya ako o umuwi na lang?!No...can't be absent today..Oh no! Kailangang maayos agad ang train.. Tinawag ko ang dyosa ng hangin..Inilabas ko ang agimat na panabla sa malas--ngunit nanatiling sira ang train..

OK..wait muna ako sa gilid..Paksyet!Baha sa sidewalk..Panic mode na ba?Wait..Call May-ang HR..May, sira na naman LRT--di din ako makapag-jeep,punuan..dami na nakasabit..Pero try ko pa din pumasok ha?!

kaming mga stranded sa labas ng 5th ave station

Buti na lang dumating ang isang kaibigan..May kasama akong maghihintay..Nagdadalawang isip na kami kung uuwi na kami o hindi..After 15minutes, nakita kong nagsisisimula ng gumalaw ang pila paakyat sa station..Sugod kapatid!!!Mukhang naayos na ang tren! Salamat sa mga anito at nadinig ang aking dasal!


sa hagdanan--'stop entry' pa din
Sa paunti-unting paggalaw ng sandamakmak na mga tao--narating naman namin ang tuktok--upang maghintay ulit!After more than 45 minutes, di pa din kami nakatungtong sa loob..nasa hagdan lang kami.Stop entry pa din kasi..Ala pa din dumadating na tren.Kung bakit kasi di pa i-announce kung magwo-walk out na kami o may darating talagang tren..Ampf!

Maya-maya, OK na..yehey!!!Enter the dragon.. Pero di pa ako lubos na makapagsaya dahil siksikan pa din sa platform! Sa Monumento pa lang, mahihiya na ang sardinas sa grabeng siksikan ng tao! Napasigaw na tuloy ng : Siyettttt!!! Utang na looooobbbb!!!! , ang kasama ko...Lingunan ang mga tao...Hahaha!!!Papansin lang.



andami pa ding tao na naghihintay makasakay! Goodluck!


(mula sa itaas)-ganito pa kadami ang nag-aantay mula sa ibaba

5 tren ang dumaan bago nagkaroon ng skip train..At last, nakamit na namin ang tagumpay-- 9.10 am na nun.. Pero OK na din..Better late than never..=))

Oh my ged!Lagi na lang bang ganito?!I know, di din naman gusto ng LRTA ang magkaroon ng 'problemang teknikal' pero we also have work to do..Naawa nga ako dun sa mga guards kasi sila napagbabalingan ng init ng ulo ng mga tao.. Hello!!!Di din naman nila gusto yun di ba?

Moral lesson: Patience is a virtue..Kung ala siguro ako nakasabay, umuwi na ako sa inip, at namarkahan na naman ako ng absent.

I hope I have the finances to buy my own car.. Or else..struggle lagi ang pagsakay sa LRT para makapasok sa work..Gusto ko lang makarating ng matiwasay sa office--am I asking for too much?!

1 comment:

  1. hahahha. narinig ko nga sa radyo na sira ang LRT kanina.

    ReplyDelete

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages