Hindi na masama - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Friday, August 29, 2008

Hindi na masama

Last working day na for August! Next week 'ber' month na..Not too long it's gonna be Christmas soon!Saya!Yeah, I know, times are harder nowadays pero that shouldn't hinder us from enjoying the nearing Holidays!Count your blessings ika nga-we have a lot to be grateful for..

Alang pasok nung Monday kaya 4 days lang ang ipinasok ng mga tiga-Pinas..Long weekend kaya it was great to have a quiet time kahit paano..Di na masama di ba?

4 days lang ang pasok pero 3 araw na embutido ang lunch ko! Favorite ko naman yun at di naman ako tipong nagsawa sa inulam ko.At kung iisipin mo na marami sa mundo ang di na kumakain,di na rin masama kahit puro embutido ang ni-lunch ko!

Last working day for August,so that means sabay na naman ang weekly at monthly report for submission on Monday next week.Hays,di masyadong ok ang performance ko this month.4 ang back-out ko!At siyempre,di ako umabot sa quota na 3 deployed for this month..Pero di na rin masama kasi the past months naman e over quota na ako!At may sure 2 deployed na ako for september as early as now!Di na masama,aarte pa ba?!

Kanina,habang nanonood ako ng isang morning show,sinabi na considered quack medicine na daw ang IRIDOLOGY.Natatandaan ko,considered alternative med yan tulad ng pag-inom ng pito-pito et al at nirecommend pa ng the then DOH secretary Juan Flavier.After several years,napagtanto nila na ala na itong pinag-iba sa ginagawa ni Mang Kepweng!Itsurang panghuhula lang daw ang ginagawa sa iridology kaya dapat ng itigil ng mga doctors na nagpap-practice nito or else pedeng masuspinde ang mga lisensya nila.O di ba?may ganito ng eksena after many years!Bakit ngayon lang?Kung kelan marami ng naglabas ng pera para sumubok?Aba, mahirap magkasakit ngayon kaya ang pobreng si Juan dela Cruz,gagawin ang pedeng alternatibong paraan para gumaling lang..Hindi na masama kung kahit paano ay guminhawa sa tulong ng iridology..E kung ang gobyerno ba naman ay nag-invest sa pagpapatayo ng mga ospital-e di hindi sana sa kung saan-saang alternatives tayo naghahanap ng solusyon.Kapos daw ang pondo pero ang mga ginastos sa mga tv campaign ads last election e sobra-sobra!Hindi ba yan masama?Well,isang malaking- MASAMA YAN!

Talking about hirap- kailangang maging ugali na ang pagtitipid! Kaya nga minsan,di na ako sumasakay ng MRT pauwi-sayang din ang ten pesos!Nakahanap ako ng alternative na pedeng masakyan..Medyo malayo nga lang ang lalakarin sa sakayan pero di na rin masama-nakatipid na ako,may exercise pa!

I applied for a financial loan this week..Medyo madami na kasing kautangan dahil sa mga minintain kong gamot since my operation..Matagal na gamutan kasi iyon..Luckily,approved naman.May kalakihan rin ang interest pero di na rin masama considering 3.5% ang interest sa mga credit cards ko(I'm paying for 4 cards monthly)-which makes it 14% monthly sa finance charge pa lang!O di ba?Di na masama!!Di hamak na malaki ang matitipid ko kahit paano.

Ewan ko ba,this week was a lil dull for me-Yun nga,2 back out ko this week lang-pero di na rin masama dahil may 2 deployed naman for September!=) Plus,may mga personal issues din akong ni-resolve.Im fervently praying that all will be well na..I've been zoning a lot this week-I wanna be free of financial debts,be REALLY HAPPY, I worried sa deployment status ko and insanely,I wanna be rich this week!hehe!Kaya eto,sa dami ng mga inisip ko,muli ako naghanap ng makakapagpaganda ng mood ko kahit paano.Naghanap ako ng video ni Superman..at sa dami ng videos sa You tube about the man of steel- ito ang vid na nakakuha ng aking atensyon.Di dapat palagpasin ang Indian Superman!




Indian Superman...ta--nannnnn!!!!

Pinukaw ng sumasayaw na Superman na ito ang malungkot kong diwa ..sa kanyang nakakaantig na mga dance steps..ang Superman song ng partner nyang babae naka-Spiderman costume(di na masama,aarte pa ba?!),ang maiinit na muntik-muntikang kissing scenes,isama pa ang mga mumunting adventures-aba'y hindi na masama!

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages