We Never Move On, We Just Get Used To The Pain (Part 2) - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Wednesday, May 4, 2016

We Never Move On, We Just Get Used To The Pain (Part 2)

So eto na po ang kadugtong ng kwento ng ating bida. Pasensya na po at natagalan. Tambak ang labada. Inuna ko na muna iyon. Kung di mo pa nabasa ang Part 1, eto ang link.


Bweno..

Simula ng magsama kami sa party na iyon ay naging mas madalas na ang aming pagkikita. Love is lovelier the second time around. Totoo nga siguro ito.

Mas naging madalas ang pagkikita at pagsasama namin noon. Madalas syang nasa opisina after work at sabay kaming magdi-dinner. Matapos nun ay ihahatid nya ako sa aking tinutuluyan at sya naman ay dideretso sa kanyang work. Magkalapit lang ang pinagtatrabahuhan nya sa pinapasukan ko kaya naging madali sa amin ang magkita ng madalas.

Kapag Sabado naman ay magkasama pa din kami sa tambayan ng tropa ko para uminom. Sweet si Dadikoi. Over sya mag-PDA at ini-enjoy ko talaga ang lahat ng oras at atensyon na binibigay nya saken.

Kahit puyat pa sya ay sinasamahan nya pa din ako sa mga lakad ko. Ipinaalam nya din sa pamilya nya ang relasyon namin. Makailang ulit na din akong natulog sa kanila. Oo, aaminin ko, I'm at my happiest pag kasama ko sya. Kung pwede lang wag ng matapos ang lahat.

May of  last year, nang lumipat ako ng bagong work. It was one of the hardest decisons I've made pero kailangan na talaga. Nasa bagong kumpanya na ako ng maramdaman kong parang may nagbago na din sa kanya. Di na nya ako ganun kadalas kausapin at naging madalang na din ang aming pagkikita.

June ng umalis patungong US ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan at sa buwan ding yun, kinailangan kong lumipat sa bagong boarding house.

Separation anxiety at its finest.

By July, I already confronted Dadikoi about our status. July 13, we have decided to part ways. 

July 13. 

Nung nangyari yun, OK lang ako. Dahil sa sunod-sunod na 'events of separation' sa akin noon, parang balewala na lang kung pati sya mawala. Besides, busy ako na nag-aadjust sa bago kong work at sa bago kong nilipatan, wala din akong time na maiuukol sa kanya.

It took a while bago ko na-realize na wala na nga kami.

Sa tuwing naglalakad ako sa mall at nadadaanan ko ang mga kinainan namin doon, naalala ko kung gaano kami kasaya noon.

Sa tuwing kasama ko ang mga tropa ko para uminom, it feels weird na wala sya sa tabi ko.

Umalis ako sa dati kong work. Umalis ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan, Umalis ako sa bahay na tinuluyan ko ng halos isang taon. Umalis din sya.

Umalis din sya.

Teka, naiiyak na ata ako.

Hahaha.

Wala naman akong ganitong moment noon. 

After kasi namin maghiwalay, thrice pa ata kami nagkita. By chance.

And just like the old times, tumatabi pa din sya saken. Makikipagharutan. Makikipagtawanan. Na para bang di kami naghiwalay.

Pero yun na yun. Pag nagkanya kanya na kami ng uwi, wala na ang mga late night chikahan at morning greeting kinabukasan.

Sa ngayon, masaya na sya sa gf nya. At malapit na atang manganak.

Minsan nakakwentuhan ko pa din ang mga kapatid nya. Mas tanggap pa daw ako ng parents nya kesa sa bago nya. 

Minsan natanong ako ng isa pa nyang kapatid: Naka-move on ka na ba?

Oo naman. Ang tagal na di ba? Saka we're friends. 

OK. Sabi nya.

Fast forward to this day, di pa din pala ako nakaka-move on. Di ako makaka-move hangga't araw araw na pinapaalala ng 'On This Day' sa Facebook ang araw-araw naming pagsasama noon. Di ako makaka-move on tuwing nakikita ko ang lahat ng mga kainan at lugar na pinuntahan namin noon. Di ako makaka-move on hangga't alam ng puso ko na sana magkasama pa din kami ngayon.

Oo, tanggap ko naman na wala na kami. Swear. Totoo.

At alam ko din naman na darating din ang araw na makakatagpo na ako ng bagong mamahalin.

Naka-move on na ba ako?

We never move on..we just get used to the pain.

**

Let's connect.

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages