2016 Year of the Monkey Horoscope


Dahil malapit na ang Chinese New Year, Im sure madami ng nag-aabang kung ano ba ang magiging kapalaran nyo ngayong taon ng mga Unggoy.

Bweno, heto ang mga prediksyon ni Master Bough..

RAT ( 1960, 1972, 1984, 1996)
Magiging swerte ang taon na ito para sa mga ipinanganak sa Year of the Rat. Isang trabaho ang nag-aabang sa iyo sa Hongkong Disneyland. 
Love. Makikilala mo ang taong magpapatibok sa puso mo sa isang coffee shop. 
Health. Generally healthy ka sa taong ito ngunit mag-ingat sa leptospirosis.

OX ( 1961, 1973, 1985, 1997)
Likas na masipag ang mga taong ipananganak sa Year of the Ox. Kung estudyante, aani ka ng tagumpay at magkakamit ka ng school awards. Para sa mga nagtatrabaho, magkakaroon ka ng promotion at salary increase. 
Love. Dahil busy ka, wag kang umasa na magkakaroon ka ng love life. May promotion na, may love life pa? Hindi yan maari. 
Health. Ang pag-inom ng gatas ng baka ay makakatulong para mas lalong lumakas ang iyong mga buto.

TIGER ( 1962, 1974, 1986, 1998)
Di masyadong maswerte ang mga Tigers sa taong ito. Madalas ay makakaramdam ka ng kakapusan sa pananalapi. Lolobo ang credit card bills mo at ha-hunting-in ka ng mga credit collectors. Mahahanap ka nila kahit saan ka pa magpunta. Oo, nilagyan ka nila ng tracking device. Wala kang kawala.
Love. Ang iyong karelasyon ang dahilan kaya ka nalubog sa utang. Mas ikakabuti mong makipaghiwalay sa kanya.
Health. Keri naman ang health mo except for some ubo-sipon-lagnat na normal lang naman. 

RABBIT ( 1963, 1975, 1987, 1999)
This is the going to be the best year of your career! Mapo-promote ka at ipagkakapuri ka ng iyong mga kasamahan sa trabaho. Mag-ingat lang sa mga kasamahan na mahilig mag-almusal ng chismis. 
Love. Makikilala mo ang matagal ng hinihintay ng iyong nahihimbing na puso sa Facebook. Nagsisimula ang pangalan nya sa letter J. Pag nakilala mo na sya, wag ka ng umarte. Minsan lang yan dumating sa buhay mo. Hurry, while supplies last.
Health. Ugaliing maligo..hindi yung kung kelan lang gusto.

DRAGON (1964, 1976, 1988, 2000)
Hindi takot sa challenges at laging willing to take risks ang mga dragon. Ang mga traits na ito ang magdadala sa iyo ng tagumpay sa larong CoC. Kikilalanin ang husay mo sa ground attacks at magiging leader ka na sa clan mo. Bravo!
Love. Love is blind but your neighbors aren't. Yes, totoo ang chismis na may iba pa ngang hinaharot ang jowa mo. Maging mapagmasid at mapagmatyag.
Health. May chance magkaroon ng dengue. Mag-ingat sa lamok. Gumamit ng katol.

SNAKE (1965, 1977, 1989, 2001)
Mas gusto ng mga Snakes ang magtrabaho mag-isa. Dahil dito, magreresign ka sa trabaho at pipiliin na lang na mag-freelance work. Walang boss, walang malditang ka-opisina, hawak mo ang oras. 
Love. Dahil marami kang oras, you have plenty of time for love. Sa dami, maiinvolve ka sa isa pang pag-ibig. What's new? Kaya nga ipinanganak sa Year of the Snake 'no?
Health. Ang kili-kili mo ay amoy tinapay. Amoy putok. Mag-deodorant every 4 hours.

HORSE (1966, 1978, 1990, 2002)
Ang kagustuhang makapag-abroad ay maaring mangyari ngayong taon, Maswerteng buwan ng paglalayag ang Hunyo at Nobyembre. Magsuot ng polka dots para mas lucky. And always smile. Tandaan, ang taong masungit, maitim ang singit. 
Love. May magkakagusto sa'yo pero di swak sa ideal partner mo. Pero persistent. Mahal ka nya talaga. Umarte ayon sa tangos ng ilong. Go na jan dahil baka sa 2018 ka pa magka-love life pag pinalampas mo pa ito.
Health. Mag-ingat sa matataas na lugar. May chance mahulog sa hagdan ng MRT, Specifically sa Shaw Boulevard Station.

SHEEP 1967, 1979, 1991, 2003)
Maswerte ang 2016 para sa mga ipinangak sa Year of the Sheep. Ang dedikasyon sa trabaho ay magbibigay ng kaluwagan sa pananalapi. Darating ang mga raket at paniguradong tambak ang labada sa taon na ito. Promotion, salary increase, awards-lahat na. Ikaw na yan!
Love. Isang dating pag-ibig ang nagbabalik. Sa umpisa ay di mo i-entertain dahil alam mo na tapos na ang bahagi na iyong buhay. Pero wag kang maarte, mahal mo pa sya. At yes, mahal ka pa din nya. Totoo. Kahit itanong mo pa sa nunal ni Ate Guy. Ending, magiging kayo at magtatagal kayo ng 1 year and 3 months.
Health. Magpalit ng pillow case every week para iwas tigyawat. 

MONKEY ( 1968, 1980, 1992, 2004)
Hindi aayon ang swerte ang taon na ito para sa mga Monkeys. Isang kaibigan ang magyayaya sa iyo na sumali sa networking at walang kahihinatnan ang ilalabas mong pera. Wala ding promotion at walang salary increase sa trabaho. Iwasang magsuot ng gold dahil magmumukha kang sasanglain. 
Love. Iwasan ang regular dates with jowa. Wala ng makain, date pa? 
Health. Wag ma-bother kung napapansin mong mas nagiging balbon ka ngayon, Ngunit magpasuri sa doktor kung mapansing tinutubuan ka ng buntot sa likod.

ROOSTER (1969, 1981, 1993, 2005)
Di kaswertehan ang taon na ito para sa mga roosters. Di ka papatulugin ng mga inutangan mo. Matuturete ang utak mo sa kakahagilap ng pambayad sa kuryente, tubig at upa sa bahay. 
Love. Ang pagiging mapusok ay magdadala ng baby sa inyo. Yes, mabubuntis ka/ makakabuntis ka.
Health. Brush at least three times a day. At magpa-pasta ng butas na ngipin. Iwasan ang matatamis.

DOG (1970, 1982, 1994, 2006)
Magiging smooth ang taon na ito para sa mga dogs. May magandang trabaho at ang daloy ng pera ay magiging magaan. Mapapansin ng boss mo ang husay mo sa trabaho at bibigyan ka nya ng magandang bonus. Maswerte din ang maglakbay. Pupuntahan mo ang lugar na matagal mo ng inaasam. Mananalo ka sa black out bingo at seswertihin ka sa pustahan. Pati ang iboboto mong Presidente ay mananalo sa halalan. Ganyan ka kaswerte, Ikaw na ang matalino! Ikaw na ang maganda! Ikaw na ang mahal ng daddy! Ikaw na lahat! Inagaw mo ang lahat sa akin!
Love. Magandang taon ito upang magpakasal. Pero siguraduhin munang may panggastos ka.
Health. Mag-ingat sa salubsob at tinik.

PIG (1971, 1983, 1995, 2007)
Tila laging mabigat ang katawan mo para magtrabaho. Tamad ka bumangon ng maaga. May chance ma-suspend due to tardiness sa buwan ng Mayo at Agosto. Maglagay ng alarm clock sa north east, south west at sa east north east ng bahay para swertihin. Ang pag-snooze ng phone alarm ng makailang ulit ay makakatulong din.
Love. Asa ka naman sa kapal ng kilay mo. Ang pag post ng abs at cleavage sa iyong Facebook account ay wala ding maidudulot. Itigil mo na yan. Try mo na lang mag-novena weekly at baka magka-lovelife ka na sa December.
Health. Nagtataka ka pa kung bakit kailangan mo pa buhatin ang hita mo para makapag-de quatro? Aba, wag mong gawing koleksyon ang taba! Exercise din pag may time. At please wag timawa sa pagkain.

**
O paalala lang mga ka-Rambler, ang mga ito ay gabay lamang. Meron tayong freewill, gamitin natin sya. 

Comments are highly appreciated and please feel free to share this kung nagustuhan mo. Ah yeah!

**

Let's connect.

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment