Dear Bough : Some Good Things Never Last

Di ko alam kung nagkulang ba ako o sadyang naghanap lang sya ng iba..


Dear Bough,

Paano nga ba ito sisimulan?

Pag-ibig na minsan akong pinakilig, pinagawa ang bagay na puso ang sinunod, masaya, malungkot, magulo at masakit....Sobrang sakit. Recently ito yung naranasan ko. Pag-ibig na kala ko totoo na at yun na talaga dahil siya na yung naging buhay ko at bumuo kami ng pangarap para sa isa't isa.

Hinanap ko ang sarili ko noon kaya naisipan kong sumali sa isang community. Dito nagsimula ang lahat. Dito ko nakilala ang babaeng nagpatibok sa natutulog kong puso.

Ka-batch ko ‘Siya’ noon at may boyfriend siya that time. Hindi ko akalain na ang pagkakataon at panahon ay pagtatagpuin kami. Ayun crush ko lang siya noon, pero dahil nga may boyfriend na siya kaya hanggang tingin at kaibigan lang ako para sa kanya. 

Ilang buwan din ang lumipas at natapos narin ang isang taong program ng community. Nakapagtapos ako ng kolehiyo, dumaan ang summer at nagkaroon na din ako ng work. Ambilis lang lumipas ng panahon.

Isang araw ay nabalitaan ko na wala na sila ng boyfriend nya .Nagulat ako at nagtanong sa kanya. Nagkaroon kami ng constant texting at share ng buhay-buhay at humantong sa panahong naisipan ko na siyang ligawan. Doon nag simula ang lahat. Masaya sya ka-text, laging may kumustahan at kuwentuhan.

Nagkaroon siya ng part time work sa isang food chain, doon constant ligaw ako- hatid at sundo. Ilang buwan din ang lumipas at naging kami. Torpe talaga ako, Bough. Sya ang una kong girlfriend dahil di ako marunong manligaw. Kaya sobrang tuwa ko talaga nung sinagot nya na ako.

Masaya ang naging relasyon namin. Di lang sya isang kasintahan kundi isang matalik na kaibigan. Masaya syang kasama at sa loob ng mahigit isang taon namin, wala kaming di pinagkasunduan na di namin naayos agad.

Nagbago ang lahat ng muling nagtrabaho si GF. Bagong work-syempre may mga naging bagong kaibigan sya. Dun din nya nakilala ang lalaking nagpagulo sa feelings nya saken.

Yes Bough, kasamahan nya sa trabaho ang sumira sa masaya naming relasyon. Nagulat ako na ganon na lang kabilis nya akong pinalitan sa puso nya. Mahigit isang taon kaming magkarelasyon; ibinigay ko ang lahat ng pagmamahal sa kanya.. halos sa kanya na umikot ang mundo ko.. pero sa isang iglap, nawala na sya sa akin. Ramdam ko ang panlalamig nya at pinilit ko mang ibalik ang init ng aming pagmamahalan, alam kong wala na akong lugar sa puso nya.

Naging madalas na ang pagtatalo naming hanggang humantong na sa hiwalayan. Di ko pa din talaga matanggap na ipinagpalit nya ang mahigit isang taon naming relasyon para sa isang lalaking halos kakakilala pa lang nya.

Di ko alam kung nagkulang ba ako o sadyang naghanap lang sya ng iba. Mahal na mahal ko sya, Bough. Walang gabi na di ko inisip kung saan ako nagkamali. Tinanong ko sya kung mahal pa ba nya ako pero wala akong nakuhang matinong sagot sa kanya. Mukhang hanggang doon na lang kami. Iyon na huling communication ko with her.

Napakasakit..sobrang sakit yung pakiramdam na laging may nakadagan sa puso ko. Hindi ako makatulog at ilang buwan din akong naglasing para maibsan ang sakit. Pero walang alak na nagpahilom sa sakit na naramdaman ko. Nitong huli nga ay nabalitaan ko pang buntis na sya. L

Fast forward several months, eto na ako ngayon Bough. Di pa din siguro sobrang OK pero may mas malalim ng pagtanggap sa mga nangyari. Masasabi kong thankful ako kay God dahil ginawa nya sa akin ito at marami akong natutunan at pinahalagahan after ng nangyari sakin. I dont regret anything- nagpapasalamat din ako kahit na ganito nangyari sakin so much blessings yung dumating sakin na sobrang pinagpapasalamat ko sa Panginoon.

Wala akong ka-date sa Valentine’s Day. Di pa siguro handa ang puso ko sa bagong love, pero di ko naman sinasara ang puso ko sa panibagong pag-ibig.

Hanggang dito na lamang at maraming salamat.

TechieBoy ng Makati

**

Dear TechieBoy,

Ramdam kita. Tulad mo, napagdaanan ko din ang sakit na naranasan mo, Ang magmahal at di masuklian ang pag-ibig na binigay. Alam ko yan. Alam na alam. :)

Well, to love is to risk not being loved in return. Ang importante, minsan sa isang punto ng buhay mo, may isang babae na nagpasaya sa puso mo. Masaklap man ang ending, pero tandaan mo- mas madaming masaya kesa hindi. 

Alam ko darating din one day ang panibagong pag-ibig for you- kung paanong dumating ang bagong pag-ibig saken. Hodeva, kaylangan talagang isingit ko ang sarili ko. Hahaha.

Sabi nga ng kanta, There's a rainbow always after the rain. So smile.

Sino pa ba?

Bough

***
Share your love story. OK lang whether happy or sad. Send me a PM on my FB page or email me at direkaleckx01@gmail.com. Your identity will be treated confidential. Love, love,love.

**
Let's connect.


About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment