Wala Akong Maisip Na Title

Blame it on the weather. Puro ka-ramdom-an ang naiisip ko ngayon.

Sana ang 'random' ay pera na lang para ang mga naiisip kong bagay ay nangyayari in real life. Ngunit ang 'random' ay 'random'. Hindi sya pera. Napakasaklap ba nun?

Kanina lang, naisip kong maghanap ng inspiration para sa new look ng kwarto ko. Ewan ko ba kung bakit sa dami ng pwedeng isipin e pagkakagastusan na naman ang pumasok sa kukute ko.

Gusto ko nito.

Nadampot lang sa world wide web. Di ko pag-aari.

Check sa tema ng balur ko. Black, white and red. Malamang e feel na feel ko pag ganyan na ang itsura ng kwarto ko. Or close to that look. Ngunit may tsismis. I dont have finances for a room makeover. Ahihihi.

I also miss Bangkok. I wish I could fly there again soon.

Back in 2010 with my good bud Lizzie.

I want a new laptop. A new pair of shoes. A bottle of perfume. And a swimming pool.

How random is that? Hahaha.

I wish Im at the beach this weekend. Go skinny dipping-on a pitch black night. Hahaha. Now that's my histrionic self talking.

Gaze at the night sky and count the stars while listening to Stevie Wonder's song.

Ngapala, may new crush ako. Ahihihi. Crush lang naman. Cute kasi nya. Sana crush nya din ako.

Gusto ko nga sya iimbayt for a movie date. Or kahit kain sa labas. Pwede din inuman. Dahil naniniwala ako sa kasabihang- Pag may alak, may balak. Ahihihi.

Nami-miss ko na uminom ng alak. With Tropang MC and the Urbanistas. Yung puro kwentuhan at tawanan lang. Videoke, ganyan.

Nami-miss ko na din kumain ng tsokolate.

And speaking of chocolate, bigla ko naman na-miss ang taong huling nag-abot saken ng tsokolate. (Sayang di ko napost sa IG ang 'Goya' na huling binigay nya.) Nasan na kaya sya? Naiisip pa kaya nya ako? Naiisip ko pa din naman sya minsan. Tinitingnan ko pa din naman minsan ang mga pictures namin together. At napapangiti ako kapag naalala ko ang masasayang memories namin together. Teka, nalulungkot na ata ako ng very lite sa pag-reminisce ng mga moments of love namin noon.

Hay.

Gusto ko pala sumali sa Amazing Race Philippines. Peborit ko kasing reality show yun along with Survivor. Di nga lang ako marunong mag-drive saka di ko sure kung kakayanin ko ang mga road blocks. So malamang di din ako papasa sa audition. Basta, feel ko lang mag-join for the experience.

Ang labo ko 'no? Random nga e.

Pati nga title wala ako maisip.

Sana ibalik na lang ang Bioman at Shaider sa primetime viewing. Para masaya.

At bakit may dalagang bukid pero walang binatang bukid?

**
Let's connect.

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment