Dear Xerex: Makati Pa Sa Higad



Dear Xerex,

Ang kwentong ito ay di ko karanasan. Ito ay isang pangyayaring nasaksihan ko kahapon sa aking pag-uwi sa bahay.

Nakasakay ako sa isang bus. Siksikan. Pasado alas-sais na din ng gabi kaya nagmamadali na akong umuwi. Sanay na din naman ako na tumatayo sa bus tuwing uwian.

Nakasandal ako sa back seat kung saan may magsyotang magkatabi. Sila ang bida ng kwento ko.

Nakaupo si lalaki sa outer area. Si babae naman ang nasa tabi ng bintana. May itsura si lalaki. Matangkad, maputi at may kapayatan.

Si babae naman ay mabait.

Oo Xerex, pwede kong sabihing jackpot si babae kay lalaki. Gwapo at matangkad si lalaki. Mabait si babae.

Pansin ko na ang panghaharot ni babae kay lalaki pagsakay ko pa lang. Sa tuwing nagkikwento si lalaki ay matamang nakikinig si babae. Halos idikit na nya ang fez nya sa fez ni lalaki. Mga 1.2 cm lang ang pagitan ng mukha ni girl kay boy.

Pa-sweet si babae. Akala mo disisais anyos kung mag-inarte, err, maglambing kay boy. Halos ilapat na nya ang labi nya sa mukha ni boy sa tuwing nagsasalita sya. Ang sarap nyang tampalin minsan pero baka isipin nyang masyado naman akong apektado sa eksena nya.

Narinig kong nagsabi si boy na gusto nyang umidlip sa byahe. Bigla naman inihilig ni girl ang ulo nya sa lap ni boy. Nagulat si boy at tila nahiya.

Kinuha ni girl ang kamay ni boy. Yes Xerex, si babae pa ang nag-motion ng holding hands. Sinukat- sukat pa ni girl ang haba ng mga daliri ni boy. Minsan ay hinahawakan pa nya ng madiin ang mahahabang daliri ni boy.

Agresibo si babae. Maya maya ay ipinatong pa nya ang mga kamay nila sa hita nya. Ang isang kamay naman ni babae ay nakahawak naman sa hita ni boy na napapatungan ng backpack.

Hindi ko sure kung hita nga ni boy ang hawak ni girl. No Xerex, wala akong balak hawiin ang bag na tumatakip sa hita ni boy para i-confirm kung saan nga nakahawak si girl.

Halos isampa na ni babae ang dalawa nyang hita sa katawan ni lalaki sa kanyang pagkakaupo. Napapansin kong naiilang na si lalaki dahil masyadong makiri si girl.

Nasa bus kami, Xerex. Wala sila sa kwarto nila.

Patuloy sa panghaharot si girl kay boy hanggang sa makababa ako sa bus. Andyang kagat-kagatin pa ni girl ang balikat ni boy. Minsan ay bigla din nyang hahalikan sa lips si boy. Kesehodang madaming makakita sa ginagawa nya, wapakels sya! 

Ang kati-kati ni girl! Mas makati pa sya sa higad!

Hanggang dito na lamang Xerex.

Nawa'y naibigan nyo ang kwento ko.

Lubos na sumusuporta,

Direk

**
Let's connect.

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment