Dear Bough: Inlab Ako Sa Best Friend Ko

Nitong nakaraan linggo sa aking Facebook Page ay naghikayat ako na i-share ninyo ang inyong mga matters of the heart. Sa mga dumulog at nag-share ng inyong mga love problems, maraming salamat. 

Para sa ating unang sender, heto ang kwento ni Bebang.


***

Dear Bough, 
Pwede bang makahingi ng payo? Itago mo na lang ako sa pangalang Bebang. Ako ay may kaibigan at ako ay may gusto sa kanya, kaya lang itong kaibigan kong ito ay may mahal na iba. Naging mag kaibigan kami dahil mag kasama kame sa department namin, lagi kame magkasama sa mga gimik at kung saan saan pa. Mabait sya at maalalahanin. Pag kailangan nya ng tulong ay lagi ako andyan para sa kanya. Kahit sa mga problema nya sa pagibig ay handa ako makinig sa kanya. Ako rin ang nagpapayo sa kanya sa panliligaw nya sa kanyang napupusuan. Kahit masakit para sa akin na may iba syang mahal, masaya akong tumutulong sa kanya. Until now mahal na mahal ko sya, pero hindi ko masabi dahil best friend ko sya. Ayoko masira ang pagkakaibigan namin. Pareho kame single sa ngayon, I'm happy with that. Do you think ok lang na ako ang magtapat sa kanya or mas mabuti na ipagpatuloy na lang namin ang aming pagkakaibigan.? 
Naguguluhan,
Bebang
Dear Bebang,

Tunog pa lang ng pangalan mo ay parang nakikinita ko na ang isang balingkinitan, at kahali-halinang babae.Bebang.. Kay sarap pakinggan sa tenga.

Hinggil sa problema mo kung ipagtatapat mo ba sa best friend mo na mahal mo sya, heto ang aking mapapayo.

Una, siguruhin mo munang mahal mo nga sya talaga. Madalas, kapag kasama mo ang isang tao, napagkakamalan mong pagmamahal ang isang bagay na minsan ay hindi naman pala. Kung madalas mo syang hinahanap o masyado ka ng overprotective sa kanya o nagseselos ka noong nalaman mong may mahal syang iba, malamang ay more than friendship na nga ang nararamdaman mo para sa kanya. Mahal mo na nga sya siguro.

Moment of truth ang gusto mo. Pero handa ka na bang marinig ang katotohanan? Handa ka na bang masaktan kung sakaling di ka pala nya mahal? Baka magbigti ka pag narinig mo ang slapping truth. Chos. Wag naman. :P

Kung sa tingin mo inlababo ka talaga at ikakapanatag ng iyong damdamin ang pagtatapat sa kanya, then go for gold! Push mo yan! Pero pag-isipan mong mabuti. Pag-isipan mo ng mga 23 times 46 equals 1,058. Ganun, 1,058 times. At kung ang bunga ng 1,058 times mong pag-iisip ay sasabihin mo na nga- maging ready ka din na i-risk ang friendship nyo. Either mawala yan somehow or dalhin nyo sa next step.

Pag handa ka na, kausapin mo na si friend. Dalhin mo sya sa isang lugar na kumportable kayong makakapag-usap.Wag sa madilim at malamig. Baka makalimot kayo sa inyong mga sarili at..alam mo na.. Ahihihi.. Huwag mo syang biglain. Huwag kang humirit ng: I love you, Dudoooonnggg ala-Toni G. 

Mas madaling tanggapin kung sasabihan mo sya ng: Im starting to like you more than a friend. Sabay kindat at kagat-labi. Ahihihi

Syempre, ang reaksyon ni boylet ang hihintayin mo. Pag ni-reciprocate nya ang feelings mo, swerte mo! I-libre mo agad sya ng burger bilang celebration ng day 1 of your relationship.

Pag di ka nya bet, act normally! Kunwari, ok lang sa'yo. At least, nasabi mo na at alam mo na ang katotohanan. Kung sa tingin mo ay madali mong matatanggap ang news na yan, then you go back to being friends. Kung na-hurt ka ng very light, dumistansya ka muna ng konti sa inyong pagkakaibigan until ma-regain mo na ang composure at maging ready ka na ulit na maging friend sya. Lagi mong isipin na mas maraming masaya kesa hindi kaya wag mo basta itapon ang pagiging magkaibigan nyo.

Bebang, hangad ko ang masayang buhay pag-ibig para sa'yo. Kapag nasabi mo na, i-update mo ako.

Good luck and advance Happy Valentine's Day sa'yo.

Lubos na gumagalang,

Bough

**
Kung may nais kayong i-share o ihingi ng payo, maari kayong mag-iwan ng private message sa aking FB page. O mag-email sa direkaleckx01@gmail.com. Your identity will be treated with confidentiality. :P

**
Let's connect.


About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment