Dear Bough: Im Beki and Single

Dear Bough,  
Maligayang araw ng mga puso sayo. Nais ko sanang humingi ng payo mula sayo. Itago mo na lang ako sa pangalang gusto mo... Ikaw na po ang bahala. I am pogay. Yes totoo yan. Out na po ako simula nung ako ay kinse anyos pa lamang. Nagkaroon din naman ako ng 2 girlfriend pero maituturing ko ito na "puppy love" lamang dahil bata pa po ako nun. Noong ako ay nasa high school, masasabi ko na ako ay isang "loner". Wala po akong kabarkada noong mga panahon na yun. School-bahay-simbahan lamang kumbaga. Nagkaroon lamang ako ng kabarkada noong ako ay nasa kolehiyo na. Late-bloomer ang lola! Masaya pala ang may barkada. Dahil sa kanila, di ko nararamdaman na ako ay nag-iisa at walang lovelife. Ngunit kalaunan, darating at darating din pala ang oras na maghahanap ka ng taong magmamahal sayo. Yung isang tao na pwede mong pag alayan ng oras at pagmamahal mo. Ngunit hindi pala madali... Lalo na sa isang katulad ko na beki. Hindi naman ako pihikan, Bough. Hindi din naman daw ako pangit. Ngunit sadyang wala akong lakas ng loob para sabihin sa naguhustuhan ko na gusto ko sya. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila particularly rejection. Sa ngayon, ako ay 32 anyos na at wala pa din akong nakakarelasyon. Madalas ay tinatanong ko ang sarili ko kung ano kaya ang mali sa akin. Sana po ay mapayuhan nyo ako kung ano ang dapat kong gawin para kahit paano ay umandar naman ang aking lovelife.
Maraming salamat at muli, Happy Valentines sa iyo at sa iyong mga mambabasa.

Dear Beki La Fea,

Yan ang code name ko sa'yo--Beki La Fea. 

Thank you for that wonderful question. Ladies and gentlemen, our letter sender is seeking advice on how to have a love life.

Paano nga ba magkaron ng lablayp? Here are my tips.

1. Gayuma. 
Oo. Maari mong gayumahin ang taong nagugustuhan mo. Pero yan ay kung may mahahanap kang ingredients na pang-gayuma. Madalas kasi ay sa malalayong bundok at liblib na mga kweba pa makukuha ang mga sangkap na pang-gayuma. Dahil jan, maari kang magsuot na lang ng bracelet na may rose quartz to attract love.Mas madali yang hanapin. Madami sa Binondo. Ahihihi.

2. Advertise.
Mag post ka ng picture sa IG at lagyan mo ng hashtag na #single #lonely #hanapkayakap #PuroUnanAngKatabi #HalikaKaNaSaTabiKo #JowaWhereAreYou

3. Gamitin mo ang formula na I x V = R o Imagination x Vividness = Reality.
Magprint ng picture ng lalaking bet mo, lagyan ng caption sa ilalim na: "My boyfriend and partner for life." Ikabit mo sa lugar na madalas mong makikita, say, sa pinto ng kwarto mo. What you envision will soon become reality. That's the power of the mind. Syempre, wag mo naman ilusyunin sina Beckham or Papa P or Coco Martin.

4. Wala sa bahay nyo ang magiging jowa mo. 
While, it's ok to mingle with your friends, mas OK kung makiki-mingle ka din to find new acquaintances. Kung di ka lalabas, wala kang makikilala. Kung di ka mag-eexplore, wag mong asahan na may lalapit sa'yo. Makipag-chat ka and invite someone to eat outside. O kaya, mag-organize ka ng HS o college reunions. Masusurprise ka na ang mga single mong kaklase ay mas cute na ngayon. Who knows, dun mo pala makikilala si pag-ibig! Ahihihi

5. Change your standards. 
Madalas kaya di makatagpo ng minamahal ay dahil sa ideal partner na iniisip mo. Matangkad, mabango, gwapo, manager. Try lowering your standards or entertain someone who is the opposite of your ideal guy. Minsan, ang pinapartner ni kupido sa'yo ay yung di mo tipong lalaki.

Try mong sundin ang aking tips and hopefully, love will knock in your door step soon. Pag di pa din umubra yan, maari kang magdebosyon kay St. Jude every Thursday. :)

Lagi mong tandaan, 'Ang lahat ng kaldero ay may takip'. So dahil di ka naman kaldero, wala kang takip. Chos.

Love comes to those who patiently wait, sabi nga. Kung ang mga senior citizen nga ay nakakatagpo pa ng pag-ibig, ikaw pa ba na sabi mo nga ay Pogay at 32 pa lang? Kahit itanong mo pa yan kay Madam Boots Anson-Roa.

I hope you find Mr.YumYum soon. Pag nakita mo na sya,sulatan mo ako ulit. Happy Valentine's Day din sa'yo Beki La Fea! Mwah!

Love, love, love,

Bough
**
Kung may nais kayong i-share o ihingi ng payo, maari kayong mag-iwan ng private message sa aking FB page. O mag-email sa direkaleckx01@gmail.com. Your identity will be treated with confidentiality. :P

**
Let's connect.

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment