Dear Bough: Im 17 and Preggy

Dear Bough, 
Im 17 and a college student sa isang university sa U-belt. 6 months na kami ng bf ko ngayon. Nung 3rd month namin ay isinuko ko na ang Bataan as my 3rd monthsary gift to him. Last week, we found out that Im pregnant. Natatakot akong sabihin sa parents ko. We know we are not yet ready for this responsibility but we are determined to keep the baby. Di ko po alam ang gagawin ko. Pls help.
BTW, lagi po ako nagbabasa ng blog nyo dahil nakakawala ng stress ang mga sinusulat nyo. 
Love lots,
Lhady Mhapuzok

Dear Lhady Mhapuzok,

Love lots talaga?! Di pwedeng "Sincerely" o "Yours Truly"?! :P

Hmmm.. Mahirap nga yang sitwasyon mo. Alam kong di mo magugustuhang makarinig ng sermon sa ngayon pero pagsasabihan pa din kita. Ahihihi

Sino naman ang nagsabi sa'yo na iregalo mo ang katawan mo sa inyong 3rd monthsary?! Isuko talaga ang Bataan?? Di pwedeng magregalo na lang ng choc-nut o kaya card o kaya tuwalya? Dapat isuko ang Bataan?

Pinapag-aral kayo ng magulang nyo. Yan ang dapat na inaatupag nyo. Di yang init ng inyong katawan. Diploma ang gustong matanggap ng magulang nyo sa inyo, hindi apo. Nakakaloka!

Bago nyo yan ginawa, sana inisip nyo din muna na ang sakripisyo at hirap ng mga magulang nyo para pag-aralin kayo. Nangugutang yan sa bumbay, sa SSS, sa mga ka-opisina--para lang may pambaon at pambayad ka sa eskwela. Tapos ang gusto mo lang pala magpasarap. Nakakaloka!

Natatakot kang sabihin sa magulang mo. Malamang pagalitan pa kayo. E ano naman iniexpect mo? Palakpakan ka pa at sabihin na natutuwa sila sa'yo? Chos. Swerte mo na lang kung matanggap agad ng magulang mo yang ginawa mo.

Bweno, nanjan na yan. At naniniwala ako na a baby is always a blessing. Kaya tama yang desisyon nyo na panagutan yang ginawa nyo.

Kausapin mo na agad ang mga magulang mo. At humingi ka ng patawad. Mas kailangan mo sila ngayon sa iyong sitwasyon. Kung suportahan ka at mapatawad ka agad ng magulang mo, napakaswerte mo--meron kang mapagpamahal na pamilya. Kung di nila matanggap agad, bigyan mo muna sila ng space. Alam kong darating din ang panahon na matatanggap din nila ang nangyari.

Ipakita mo sa kanila how truly sorry you are at kung paano mo kagustong magbago. Pagkapanganak mo, bumalik ka sa school pag may chance. Kaylangan mo magtapos para makahanap ng trabaho para sa pamilya mo.

O, ang mga nasabi ko ay talak-kapatid lang. Hangad ko ang ligaya para sa iyo at sa iyong bagong milestone sa buhay.

Lubos na gumagalang,

Bough

PS. Salamat sa laging pagdaan sa aking page. Gawin mo na sana yang habit. Ahihihi.
**
Kung may nais kayong i-share o ihingi ng payo, maari kayong mag-iwan ng private message sa aking FB page. O mag-email sa direkaleckx01@gmail.com. Your identity will be treated with confidentiality. :P

**
Let's connect.

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment