Gratitude

Another year has been added to my age last Saturday. Palakpakan naman diyan! 

Gusto ko sanang tapatan ang concert ni Sarah G in celebration of my birthday pero kapos na sa panahon para mag-prepare. Ahihihi

I wanted to be in the beach sana on my birthday. Gusto kong magpunta sa Calaguas. 


Ngunit dahil walang makasama, ekis ang plano. #Loser 
Next time na lang siguro.. 

Inisip ko na lang yayain si yumyum over lunch. Ngunit dahil may prior commitments na daw sya, ekis ulit. #SuperLoser :))

At dahil wala namang natuloy sa aking mga plano, naisip kong mag-stay na lang sa bahay. Masarap din palang matulog lang.. Ahihihi. Spell pahinga di ba?

Binigyan ako ng cake ng aking kapatid. Nagluto si madir ng pancit. Ewan ko ba pero wala din ako sa mood magpaluto. Natulog lang talaga ako at gumising nung ready na ang pancit. :) Ang balak ko ay ilabas talaga sila at kumain ng pecha pie sa Linggo (kahapon iyown!)

I know I should be partying with my friends pero nakakapagtaka din na wala naman nagtatanong saken about my celebration. I guess nasanay na sila na Im out of town pag birthday ko.

Nung gabi, nakakaramdam na ako ng lungkot. Hinangad kong mag-alas dose na para officially tapos na ang birthday ko.

Kahapon, I treated my family over lunch sa isang pizza parlor. After that I went to Sto. Domingo to hear mass. I whispered my prayer of thanks to God for giving me more than 3 decades of meaningful and colorful life.

To everyone who remembered me on my birthday--those who extended greetings over Facebook, Twitter and SMS-- maraming salamat! Masarap mabuhay sa mundo kapag maraming kaibigang nakaka-alala sa iyo.

Sa mga nakalimot- alam nyo na-- wag nyo din asahan na maalala ko kayo sa birthday nyo. #QuitsLang #Chos :D

Sa aking pamilya, sa aking mga kamag-anak, kaibigan, kaopisina, ka-org sa MUKHA AD, kabalitaan at kakampi-- salamats. Super.

Sa PMPC at sa Star Awards for Movies-- thank you for recognizing me. Para sa inyo ang tagumpay na ito! #ChosUlit

Sa mga fans ng blog na ito na walang sawang dumadaan at nagbabasa kahit madalas ay wala naman kwenta ang mga posts ko--salamat sa suporta; Mahal ko kayo!

Sa aking babykoi na madalas na nagpapakilig at nagpapasaya sa akin kapag ako'y walang maka-osap at nalolongkot--salamats. 

Sa mga kababayan ko sa Central Visayas na nasalanta ng bagyong Yolanda-- para sa inyo ang birthday wish ko-- I pray for the day that we all will stand up once again.. and yes, we can make it through the rain!

I wish you joy and happiness..but above all these, I wish you love!

From the bottom of my heart, maraming salamat sa lahat!! I love you all!!



Pahabol:

Dahil naunsyami ang gala sa Calaguas, I'll have a post birthday vacay tomorrow til Thursday sa Bacolod. Salamat sa major sponsor kong..

via Twitter


About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment