Nakakabagabag

Nakakabagabag.

Aminin mo, nahirapan kang i-pronounce. Na-ka-ka-ba-ga-bag. Ayan, nakuha mo din.

Nahirapan din akong i-spell. Kung bakit sangrekwa naman kasi ang vowels sa mga salita natin. Sa English naman, it can be translated to 'bothering' lang. 3 vowels. Madaling bigkasin.

Anyway..

Nakakabagabag. Isang beses ay nakanood ako ng Adventure Time ng Cartoon Network. Peborit ng pamangkin kong babae yun. Nanlaki ang mata ko sa isang character sa show na yun. Meet Abracadaniel!


I don't know if it's just me-- this thing looks phallic to me. Kids may not notice that this looks like a penis--but for an adult, this looks like one. What the hell was Cartoon Network thinking? I also noticed that there are several other penis-looking characters in that show. Bad. 

Back in the day, my generation got hooked watching Batibot. There were Kiko Matsing, Pong Pagong, Manang Bola, Kapitan Basa and Irmadaldal. Di nga sya cartoons, but this was a whole lot more 'wholesome' compared to the kiddie shows this generation are watching.

Walang hugis etits na karakter nung panahon namin! Mahabaging saging! Nakakabagabag.

**

Napoles. Nakakabagabag na agad. Juicemio! Wag naman sanang dumating ang araw na magkaroon na ng ganito.

(Nadampot sa Facebook)

Kung sakali ngang totoo na sangkot sya sa mala-anomalyang 10 Billion pork barrel scam, hindi ko alam kung anong konsensya meron ang babaeng ito. Nakakabagabag ang pagkagahaman nito sa kayamanan at ang walang katarungang paglustay sa pinaghihirapan nating mga taxpayers.

Ikatutuwa kong makita na nasa likod ng mga rehas na gawa sa barbed wire na nakasaksak sa isang high power voltage supply ang lahat ng sangkot sa pandarambong na ito sa mga mamamayan, kasama ni Abracadaniel.

**

Nakakabagabag. Sabi ni Clau-clau, sya daw ay abused physically ng asawa nya. Di ko alam kung maniniwala ako o hindi. Pag-iisipan ko muna.

O sige, hindi ako naniniwala. Ng very light.

Nakakabagabag. Kasi di ba dati, nagtandem pa sila sa pagbugbog kay Tulfo. Tapos sya din pala binubugbog daw. Ewan ko lang ha.


Well, at the end of the day.. (at the end of the day daw o!), sana maayos na nila yan. Kasi di magandang sumasabay pa sila sa eksena sa mga panahong ito na ang bida ay si Napoles muna. Saka na sila. Pork barrel muna.

**

Nakakabagabag din yung mga selfie ng selfie sa totoo lang. Eto ang sa inyo.






About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment