Iba’t Ibang Klase ng Pasahero ng Jeep

Ayon sa aking obserbasyon, ito ang iba't ibang personalidad na sumasakay sa jeep.



  1. The Good Samaritan
Yung laging nag-aabot ng bayad ng mga pasahero.

  1. The Inutil
Baldado, di man lang i-extend ang kamay pag mag-aabot ng bayad. At kahit alam naman nyang dalawa lang kayo sa jeep, makapal ang mukha na sayo pa ipapaabot ang bayad nya. At mas lalong nakakaasar kasi di man lang marunong magpasalamat.

  1. The Multi-Tasker
Busy sa bahay kaya sa jeep na nag-aalmusal. May dalang tapsilog at kape o kaya pandesal na lalagyan ng butter. Lolz.
Kabilang din sa kategoryang ito ang mga babaeng kayang mag-pluck ng kilay, maglagay ng concealer, foundation, blush on, lip liner, lipstick at lip gloss sa ikli ng byahe nya sa jeep. Pagbaba, full make up! Pakk!
May mga kagila-gilalas ang kakayahan na mag blow dry pa ng buhok pagkatapos mag-make up.

  1. The Dedmadela
Yung sigaw ka na ng sigaw para iabot ang bayd mo pero parang bingi ang lahat sa panawagan mo.
Kasama din sa kategoryang ito ang mga driver na malinaw ang pandinig kapag magbabayad ka pero bingi na kapag pumapara na para bumaba.

  1. The Sadako
Sila ang mga babaeng mahahaba ang buhok na nakalimutan yatang may bagay na tinatawag na ‘pantali’. Akala yata nila, napakabango ng buhok nila para hayaang wumasiwas na parang walang bukas sa mukha ng katabi nila. And please, wag nyong ipakain sa katabi nyo ang buhok nyo!

  1. The Sleepy
Pag-andar ng jeep, tulog na sya. At naghihilik pa minsan. Ok lang naman sana. Napagod siguro sa school o sa work, o baka puyat..Pero utang na loob, wag mong gawing unan ang balikat ko. Di mo ako jowa! Char!

  1. Mang Doro and Aling Magna
Mandurukot at Magnanakaw. Yung mga sumisiksik sa tabi o kaya nagdadaldal para madistract ka kunwari pero dinudukutan ka na pala.
Mag-ingat sa kanila.

  1. Mr. Sticky
Sila yung mga makakatabi mo na nagpuputik sa lagkit dahil sa pawis. Mala-Elmer’s glue pag nadikit ang braso mo sa braso nila. Eeeewnesss!

  1. Mr. Sunny
Sila yung kahit wala ng araw e amoy araw pa din. O kaya, umaga pa lang e amoy araw na. May kakapusan sa fabcon maybe. O sadyang 80% ng body mechanism nya ay may kakayahang magproduce ng pawis na nag-eemit ng foul smell.

  1. Mr. Sticky-Sunny
Combo ng #8 at #9

  1. The Maniac
Nasa kategoryang ito ang mga sumusunod:
  1. Naninilip sa maiksing palda ni ate
  2. Naninilip sa low neckline ni ate
  3. Pa-simpleng idinidikit ang braso sa dibdib ng katabing babae
  4. Pasimple ( o garapalang) hinihipuan ang katabi
  5. All of the above

  1. The Hudas
May mga taong sadyang mapaglamang sa kapwa. Sasakay ng jeep pero di magbabayad. Oo, may mga isolated cases na maaring pakiusapan ang driver na maari ngang wala kang pamasahe. Pero may mga taong nakagawian na talagang mag 1-2-3.

Hudas din pag ang driver ay di marunong magbigay ng tamang sukli. O magbi-bingi-bingihan pag hihingi ka na ng sukli.

  1. The Show-Your-Wealth
Sila yung maglalabas pa ng wallet na may limpak-limpak na tig-iisangdaan  (lol), o kaya super text, call, fb sa kanilang Iphone.
Goodluck kina Mang Doro!

  1. The Sosyalera-Not
Naka LV ( lumang vag) o kaya Channel bag. Wow ha! Kung totoong orig yan, sana kaya mo din mag taxi at least. Hahaha

O sino ka diyan?!

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment