Monthly Exam for January

Nabuo ang mga katanungang ito mula 5th Avenue hanggang Libertad Station ng LRT kahapon. At dahil under construction ang page ko kahapon, ngayon ko lang ito maipo-post. :)

Mayroon kang isang oras para sa mga kemerut na ito. Bawal mangopya ng sagot. Timer starts now! Pakk!

              nakuha lang sa pekbuk


1.      Patunayan ang tsismis na ipinaglihi sa pagsabog ng Bulkang Mayon si Sen. Miriam. Gumamit ng Feng Shui at Chinese Astrology.

2.      May mga interesado ba talaga sa mga updates sa buhay ni Joel Cruz kung kaya’t lagi syang pini-feature sa Rated K? I-explain gamit ang pinaghalo-halong kemikal ng pabango.

3.      Gumawa ng bagong ampalaya dish sa halagang P30. Gawing insipirasyon si Sarah G.

4.      Sa haba ng pila at dami ng taong sumasakay sa MRT, nararapat na bang gawing double decker ang mga tren? I-konsulta kung kelan maswerteng gawin ang proyektong ito kay Madam Zenaida Seva.

5.      Kung ka-boses ni Mahal si Regine Velasquez, bibili ka ba ng album nya? Kunin ang opinion ni Jimboy tungkol dito.

6.      Sukatin ang kahabaan ng SLEX- dangkalin gamit ang kamay ni Dagul.

7.      Sino ang mas nararapat sa puso ni Gerald- si Kim, Sarah o Maja? Idaan sa isang dance showdown at husgahan sa pamamagitan ng pinakamalakas na palakpak na may kasamang hiyawan.

8.      I-spell ang LASCIVIOUSNESS habang naka-blindfold—in 5 seconds.

9.      I-enumerate ang mga Pinoy Teleserye na HINDI tumalakay sa mga plots na pag-aampon, love triangle at paghihiganti. Ang makapagbigay ng 5 ay kagila-gilalas at kikilalanin sa Guiness!

10.  Kantahin ang Oppa Gangnam Style, Nora Aunor version ng di ngumingiti.

11.  Gamit ang Twitter at Instagram, compare and contrast- Sino ang Pinakamataray- Annabelle Rama o Daisy Romualdez?

12.  Sa isang yellow pad (back to back), gumawa ng essay tungkol sa topic na ito: Si Lilia Cuntapay ang unang aswang at di si Corazon. I-konek sa nunal ni Lorna Tolentino.

13.  Sa isang forum, pag-usapan ang 2013: Year of the Water Snake. Imbitahing resource speakers sina Sunshine at Krista M.

14.  Gaano kabigat ang daigdig at may nakakita na nga ba sa pagluhod ng mga tala? Interbyuhin si Ate Shawie para dito.

15.  Sa isang 1/8 sheet ng pad paper, magbigay ng pangalan ng mga politikong hindi corrupt. Gamitin ang formula na e=mc2

16.  Bakit gustong magpa-sex change ni BB kahit malaki at mababa pa din ang boses nya? I-konek sa kilay ni Bella Flores.

17.  Patunayan na hindi boses bading si Ruffa G gamit ang algorithm at superstitious beliefs.

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment