Di Ko Maintindihan

Di ko maintindihan kung bakit kaylangan magtatalak lagi si Tita Miriam re Enrile's million peso gift to the Senators.. Kung tingin nya ay may mali sa ginawa sa move na ito ni Senate President, sampahan nya ng kaso. Feeling ko lang naman ay parang unbecoming of a senator yang mga talak-talak na yan. There's a proper venue to address this..Ang cheap lang ng mga bulaan ng bibig mode na yan sa TV.. These are the kind of politicians that we have. Ang saklap!

Di ko din naman maintindihan kung bakit milyones ang dapat na regalo ni Enrile sa mga kapwa senador nya. Fine, natipid daw yun ng ahensya. Pero mas winner siguro kung ang nakatanggap ng mga bonus na yun ay ang mga kababayan natin na walang makain, o kaya pinagpagawa na lang mga mga school buildings..

Di ko maintindihan kung bakit dapat pami-milya ang nakaupo sa gobyerno. Mag-asawa, mag-ina, magkapatid sa Senado.. Mayor na tatay sa District 1, Mayor na anak sa District 2, Governor na asawa sa Kapitolyo, Konsehal na Anak, Yaya na Barangay Chairman.. Tapos, sila-sila magpapatayan! Di ko talaga maintindihan! 

Di ko maintindihan kung bakit dapat laging may love triangle sa mga teleserye..Kung bakit laging ampon ang bida at kung bakit dapat lagi silang maghiganti sa bawat isa. 

Di ko maintindihan kung bakit may mga taong tamad magtrabaho at ginawa na lang na professional career ang pagnanakaw at pagpatay ng kapwa nila? Wala ba silang mga puso? Kaluluwa?! Wala ba silang mga magulang, kapatid, kaibigan, kabalitaan at kakampi?! Minsan tuloy, sa dami ng malalang krimen sa Pinas, parang pabor na ako na ibalik ang death penalty..para maturuan ng leksyon ang mga lekat na yan!

Di ko maintindihan kung bakit parang wala ng maisip ang mga writers at researchers ni Ate Koring sa Rated K. Ala-Home TV Shopping na ang show sa linggo-linggo sa dami ng mga herbal products, ham, bahay at kung anu-ano pa na pini-feature nya. Nakakaumay na din ang madalas na features on Belo, Joel Cruz, at mga kwento kababalaghan. Madalas ay recycled din ang kwento nya. Rated W for Walang Bago na ata dapat ang title ng show nya.

Di ko maintindihan kung bakit laging di nagtatagal ang show ni Aljur..

Di ko maintindihan kung bakit dapat laging maghuhurnamentdao ang guest na tatawagin sa Face to Face.. Dapat war freak mode lagi pag papasok na? Hahaha At di ko din maintindihan kung bakit dapat pang i-televise ang mga awayan na yan (kung totoo nga). At mas lalong di ko maintindihan na talagang may trio tagapayo pa na magreresolve ng mga cheap issues na yan!

Di ko maintindihan kung bakit dapat magkakasunod na ipalabas ang Life of Pi at Les Miserables. May Chinese Zodiac pa at sandamakmak pa ang magagandang pelikulang nakalinya! Ubusan ng pera na naman sa sinehan!

Di ko maintindihan kung bakit dapat sabihan ni Kuya Boy ang mga guests nya ng "Ikaw Na!" pero 'Siya' naman pala talaga kasi ibinibalik din naman ng guests nya ang "Ikaw Na" sa kanya. Hahaha

Di ko maintindihan kung bakit antagal ko na yatang walang lablayp. Isingit ko di ba? Ahihihi. Nagpapaderma naman ako, wala naman akong putok..di naman ako mahirap mahalin..Hahaha well, sana dumating na sya bago mag-Feb 14..lolz

For now e ayan na muna ang mga di ko maintindihan. Ikaw, anu ang di mo maintindihan? :))

galing dito ang picture

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment