Your Song Presents: Maybe This Time

Dear Ate Charo..

Oooopss.. Your Song pala ito. Hindi MMK.

Labindalawang taon na ang nakalipas ng makilala ko si MTL (My Tru Lab)..

Flashback. (I-click mo ito)

2 weeks ago. Nagkita na kami ulit. Oo, nagkita kami ulit.

I-play mo ito para may scoring habang binabasa mo ang entry.. Ahihihi



Aaminin ko,sa haba ng mga taong lumipas, umasa ako na sana magkita pa kami ulit. Pero di ko naisip na mangyayari pa ito.

May asawa na sya. Dalawa ang anak. Kung may nakaraan man kami, malamang wala na yun sa kanya.

At saka antagal na. Baka di na sya interesadong makita pa kami.

But yes, call it serendipity. A twist of fate. Arte no..hihihi.. Nangyari na ang dapat mangyari.

December 7, 2012. Ang itinakdang araw.

Kinakabahan ako ng slight. Di ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa muli naming pagkikita. 

1.30pm. Nagtext sya. 'Andito na ako sa lobby.'

Nagmamadali naman akong nagpunta sa lobby para salubungin sya.. And then..

Two old friends, meet again
Wearing older faces
And talked about the places they've been..

Nasa harapan ko na nga sya. Makalipas ang 12 years, wala na ang gwapong mukhang kinahumalingan ko..Bagsak na ang katawang minsan kong niyakap. Anyare?!

Dismayado. Konte. Pero happy na din kasi nagkita kami..

Gusto ko sana syang mayakap.. just like the old days. Excited akong makakwentuhan sya. Balikan the old memories. Basta gusto kong makapag-moment kami kahit sandali.

Nito palang mga nakaraang buwan, malapit lang sa opisina ang pinagtatrabahuhan nya. 2 exit lang din sa SLEX ang pagitan ng mga tirahan namin. Mantakin mo yan.

Two old sweethearts, who fell apart
Somewhere long ago
How are they to know
Someday they'd meet again
And have a need for than reminiscin'

'Bakit ang payat mo na?'
'Problemado sa pamilya e'
'Ikaw e, di mo na ako nahintay'

Nakatingin lang sya sa akin.

'Antagal kitang hinanap.. Umuwi pa nga ako sa Marinduque last year hoping to see you..'
' Nasa Laguna na kami ng pamilya ko. Di naman kami umuwi last year.'

'Ikaw, bat wala ka pang asawa?' tanong nya.
'Ikaw ang gusto kong mapangasawa noon', kung kaya ko lang sabihin.

Di ko sinagot ang tanong nya. Sabi ko na lang 'Namiss kita.'
'Talaga?'
'Naisip mo man lang ba ako after naten maghiwalay?'
'Oo naman.'

Maybe this time
It'll be lovin' they'll find..

'Musta ang buhay may-asawa?'
'Dalawa na anak ko.. Yung panganay ko 10 yrs old na.. Mahigpit asawa ko, lahat pinagdududahan. Minsan nasasakal na ako..'

Maybe now they can be more than just friends..
(S)he's back in h(is)er life
And it feels so right
Maybe this time love wont end..

'Kain tayo sa labas', sabi ko. 'We have a lot to catch up on.'

Di pa man kami nakakarating sa kakainan namin, nag-ring na ang phone nya. Asawa nya. Minomonitor ang bawat minuto nya.

'Pasensya ka na. Tumawag ang asawa ko.'
'Ayos lang..'
'Nakakasawa na sya minsan..'

'Ngapala, minsan sya yung nagtetext sayo'
'Ha?!'
'Grabe no? Nagdududa na sayo.'
'Wala naman tayong tinatago, ngayon nga lang tayo ulit nakapag-communicate'
'Oo nga e.Higpit nya no?! Pag may nagtext sayo ng may asterisk, ako yun.'

Napangiti na lang ako.

'Tapusin mo na yang kinakain mo ng makauwi ka na. Baka inaantay ka na ng asawa mo.'

Hinatid ko sya sa sakayan ng bus pagkatapos.

'Text kita pag uwi ko', sabi nya.
'Sige, ingat!'

Kinagabihan, may nagtext: '* Nakauwi na ako. Salamat ha. Namiss kita.'

Maybe this time..
Maybe this time, love won't end..

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment