Splakaboom Shakalak

Warning: Maaring walang kwenta ang mabasa mo. Nasa sa iyo kung gusto mong maglaan ng ilang minuto at sabihing- "Syet, totoo nga, walang kwenta. Sayang ang ilang minuto ko." O Kaya: "Na-warningan naman ako at nagpatuloy pa din so wala akong mairereklamo."

Random.

Lutang.

Wala.

Kalawang.

Ilang araw na ako nag-iisip ng entry. Kahit random sana. Pero lutang ako. Dala marahil ng mahabang bakasyon. Kaya eto. Wala. Wala akong maisip. At oo, kinakalawang na nga siguro ang utak ko.

Taktak ko kaya? Tutuli ang nahulog. Di naman mala-tiger balm. Mejo buo sya. I know, kadiri. Dala marahil ng kakapusan ng cotton buds.

Matumal ang creative juices ko. Masabi lang na may creative juices. 

Boring ang mundo ko ngayon. Minsan na-status ko pa sa BBM ko na 'uninspired and down'.

Siguro dahil tapos na ang Walang Hanggan. Nakakalungkot din. Ang ganda kasi nun. Pero ganun talaga, some good things never last sabi nga ng kapitbahay naming si Aling Diana Ross.

Buti na lang maganda ang pumalit. Ina, Kapatid, Anak. Di ako fan ni Maja pero na-appreciate ko sya dun. At ang husay pa din talaga ni Janice-ang lufet ng akting kahit minsan naka-sleeveless sya. E ang laki ng braso nya di ba? Pero ayos lang. Akting ang mas lutang kesa braso.

Oo..wala na ngang Walang Hanggan. Nakaka-miss din pag tumutugtog na ang makaputok-itlog na version ni Jed Madela ng Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Syet. Anuver. Wala akong masulat. Nakakaasar.

Amazing Race Philippines. Peborit ko ang Amazing Race. Pero medyo na-bore ako sa show ni Mang Derek. Ginawa kasing teleserye, araw-araw mo mapapanood. Corny. Weekly lang dapat para naha-highlight ang dapat i-highlight.

Ngapala, nagbabasa na ulit ako ng book. Bumili ako ng Life of Pi. Para kunwari malalim ako hehehe. Di ko nga masyadong naiintindihan, English e.

Saka Lumayo Ka Nga Sa Akin ni Bob Ong. Di ko pa naumpisahan. Pinabasa ko muna sa mga kapatid ko. Tapusin ko muna itong sinulat ni Yann Martel. Gudlak naman saken kung matapos ko agad!

Nanalo si Obama kahapon. OK. Nanalo sya. Yehey.

Kanina pala nag-iisip ako na sana may mabilhan pa akong Benson's Eclair. Saka sa may Nips pa na nasa box. Kaka-miss lang.

Wala talaga akong maisip. Type-type lang. Wa kwents. Sana next week may maisulat na ako.

Gusto ko ng kape. 

Ngapala, ang corny na ng Boy Pick Up ng Bubble Gang. Share lang.

So there.

Sabi ko sa inyo e..La kwenta di ba? Hahaha. Puro splakaboom shakalak.

Pasensya. 

nagetching ang larawan mula sa wattpad.com

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment