Malanding Ugnayan

Itago na lang natin sya sa codename na Shaider.

1998 ng makilala ko sya- thru a common friend. Tropa sya ng tropa ko. Tahimik at madalas pangiti-ngiti lang. Makulit din minsan. May itsura naman sya. 

Madalas akong tumambay sa lugar ni 'tropa'. Inuman. Gin-Pom pa nun.May Sugo (mani)-ayos na. Yosi. Puyatan. Tawanan. At sa mga pagkakataong iyon- katagayan lang ang konek naming dalawa. Wala kaming exchange of words-very minimal lang.

Sa isang birthday celebration ko, dumating si 'tropa' kasama si Shaider. Wala man syang invitation at may pagka-gate crasher lang ang peg- pinaupo ko na din siya sa umpukan ng inuman ng gabing iyon. Madaming tao, at dahil sa kakapusan ng space, naupo si Shaider sa tabi ko.

Madaldal din naman pala si Shaider kahit pano. Yung daldal na pang-intimate kembot lang. Di madaldal sa grupo pero makwento pag solo ka nyang kausap. At impeyrnes, nagsisimula ko ng maappreciate ang presence nya. Di na lang sya isang katagayan-ngunit isang tao na parang gusto ko pang makilala. In short, pwedeng makerengkeng.

Sa paglipas ng mga oras, ang mga simpleng kwentuhan ay nahaluan ng mga personal na tanong. Kung single daw ba ako at kung anu ang pagkakilala ko sa kanya. Ilang gabi na din naman kami nagkasama sa inuman-pero hanggang inuman lang. Ni hindi ko sya masabing kaibigan ko dahil we hardly knew anything about each other.

Nagulat ako sa mga sumunod pang tanong nya-tulad ng, paano daw kung magkagusto sya saken. Syempre natawa ako. Agad-agad? PBB Teens ng late 90s?! Alam ko nasa isang relasyon din sya that time-so paano naman ang bahaging iyon?

Sabi nya kung ok daw saken kasi given naman yun.Bahala na daw ako kung tatanggapin ko ang kumplikadong set up na yun. Love triangle lang?! Aaminin ko, naexcite ako sa thought na yun. Call me weird. Pero parang gusto kong i-try.

Sinabi kong bago ako sa eksenang iyon. Sabi nya, gusto daw nyang i-try makipag-relasyon saken. So desisyon ko na kung tatanggapin ko o hindi.

Naguluhan ako na natatawa. Is this the real life? Or is this just fantasy? Seryoso ba ito? O dala na lang ng espiritu ng alak? Ang bilis ng pangyayari- dumating sya, umupo sa tabi ko at may relasyon ng pinaguusapan.

Seryoso daw sya sa offer nyang pakikipagrelasyon saken. Niyaya pa nya akong umalis sa kinauupuan namin para makapag-usap na kami lang. Nang medyo malayo na sa mga mata ng mga bisita ko, kinuha nya ang kamay ko. Holding hands while walking. Syet..May ganito talaga?!

Oo, virgin pa ako that time pero di na bago saken ang pakikipagrelasyon. Naka-dalawang syota na din naman ako bago iyon.

Sa isang madilim na bahagi nya ako dinala. Di naman ako natakot na baka may masama syang balak saken. Makakasigaw naman ako at maririnig naman ako ng mga bisita ko kung sakali.

Hawak pa din ang aking kamay, tiningnan nya ako sa mata at sinabing: Walang halong kalasingan, gusto kita-sana magustuhan mo din ako. Sabay halik. Di na ako umarte. Muntik ko na ding ilabas ang dila ko. Joke. 

Wow, ano ito? Seryoso ba talaga ito? Niyakap nya ako na para bang nagsasabing, be comfortable with me-as I will always be with you.

Bumalik kami sa lugar ng aking party na nag-iisip-- Pwede kong magustuhan si Shaider..


(May karugtong)

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment