Larong 80's ( A Compilation of the Play Chants We Grew Up With) - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Wednesday, December 14, 2011

Larong 80's ( A Compilation of the Play Chants We Grew Up With)

Di pa uso ang kung anu-anong gadgets nung bagets pa ako, so ang past time naming magkakaibigan noon ay kung anu-anong larong kalye.

Patintero, taguan, habulan, 'prikidam', sipa, football, piko at samu't saring hand palakpak chuva-with matching chants.

Kanina habang nasa LRT ako, inaalala ko ang mga larong yun.Nakaka-miss. At nakakatawa. Dahil karamihan sa mga 'chants' na iyon ay wala namang kakwenta-kwenta..hahahaha!

O, naaalala nyo ba ito?

Langit, lupa, impyerno
Im-im-impyerno
Saksak puso, tulo and dugo
Patay, buhay, alis-ka-na-diyan!

O di ba, walang kakonek-konek? hahaha

Mangga, mangga hinog ka na ba?
Oo, oo, hinog na ako
Kung hinog ka na ay umalis ka na
Ayoko, ayoko, iiyak ako!

Hahaha, Manggang nagsasalita..May saltik lang ang peg di ba?

Monkey, monkey annabell
How many the monkey did you see? (Ang natapatan ng turo ay magbibigay ng number..e.g. 5)
1, 2,3,4,5
And the rikitikitik and the blue-black ship
Spell YES? Y-E-S
Spell NO? N-O
Alis...and out you go!

O di ba? May rikitikitik talagang involved! Up to this day, palaisipan pa din saken kung anu yan! hahahaha

Eto pa ang mga kahindik-hindik na 'skip rope' chant



I love you teleber, teleber
Vi and Bot, Bot and Vi
Sharon, sharon love gabby!

Naaalala nyo pa ba ang mga ito--with matching actions pa?

Dolly, you cant love (one)
Dolly, you cant love one
You cant love one is spirit one
Dolly you cant love one
Boom-boom-boom
She bop, awari-wariwap!
(Palitan ang one ng 'two' and so forth...)

Nanay, tatay gusto kong tinapay
Ate, kuya gusto kong kape
Lahat ng gusto ko ay susundin nyo
Ang magkamali ay pipingutin ko..

Si Nena ay (baby) pa
Kaya ang sabi nya ay um-a, um-a-a!
(Palitan ang baby ng bata, dalaga, ikakasal, buntis, patay- with matching appropriate action)

Narealize ko, walang kakonek-konek ang mga salitang involved sa mga yan..may mga gramatically incorrect pa nga! Pero impeyr, ang mga larong yan ang nagbigay kulay sa kabataan ko.



Ikaw, anung naaalala mo? :)) Apir!

* grabbed pics over the net

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages