Kinakalawang na Utak

Fe2O3.nH2O

Yan ang simbolo ng Kalawang. RUST sa inggles.

Kung paanong naging ganyan ang chemical formula ng kalawang--hindi ko kayang i-derive. Una- di ako chemist o gradweyt ng BS Chem. Ikalawa, Chemistry ang isa sa pinaka-hate kong subject.Kinuha ko lang yan dito

Wala namang konek sa entry ko ang chemical formula ng kalawang.Naisip ko lang gawing pang-opening number. 

Ayon kay pareng Wikipedia- ang oksidong nabubuo sa oksidasyon ng yero o bakal (iron) ay tinatawag na kalawang.

Which made me thinking--hindi pwedeng kalawangin ang utak ko (o utak mo) dahil hindi naman ito bakal!

Pero..

Pansin ko-- kinakalawang ang utak ko. Sure na. Nabasa kasi nung umulan. Nagmix ang oxygen at tubig and voila--Kalawang!

Pero-di nga ito BAKAL!! Syet! Ang gulo.. Mali ata title ng entry ko.Dapat ata "Inaagiw na Utak".

Hayaan na natin. Ang sarili kong pakikipagtalo kung kinakalawang nga ang utak ko ay maaring manipestasyon ng pangangalawang na nga ng aking utak. Syet ulit.


BUMUBOBLAX AKO

Bumuboblax--bumu-bobo. Tingin ko lang. Parang walang juicy na pinoproseso ang utak ko. Kahit entry sa blog na ito wala akong maisip. Nakaraang buwan pa ang huli kong entry at feeling ko-wala din naman dulot masyado ang laman nun. Syet. Kinakalawang na talaga utak ko. Nagiisip ako ng pwedeng isulat pero wala akong mapiga.

Di ko alam kung dahil ba ito sa dalawang bagyo na dumaan kaya't natulog ang mantika sa aking utak. Nag-freeze ba.O dahil ba ito sa atensyon na ibinigay ko sa kamo-monitor sa mga lugar na daraanan ng bagyo, lakas ng hangin at gale warning na kasama nito. Ewan.

O baka dahil dinibdib ko ang sinabi ni Sen. lapid nung nakaraan na ayaw nyang sumali sa RH debate kasi di sya well-versed sa inggles. Ewan.

O baka nagsabaw-sabaw kaka-noodles ko.Ewan.

INACTIVE VOLCANO

Dahil sa pangangalawang ng utak ko, pati sa work parang nawalan ako ng alignment. Tamad na tamad ako. And no matter how I pushed myself, wala talaga. Ayaw gumana. Di ako makapag-isip ng maayos. Sinubukan kong alugin--pero wala. 

Kahit ang Game of Thrones, di ko ma-appreciate. Ang mga kanta sa Glee, naaasar ako. Ayaw silang i-proseso ng utak ko. Kaasar.

DI LANG UTAK ANG KINAKALAWANG

Di man bakal ang utak ko, bakal naman ang puso ko. Yun, sure na, pwedeng kalawangin. Kelan nga ba itong huling kumalembang sa kilig at tuwa? 

Syet. Pati puso ko kinakalawang na din pala. Dobol syet.

WA KWENTS

Ang post na ito, mula sa kinakalawang na utak.Walang kwenta. Wa kwents in short.

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment