Cathy Mora Isdatchu??

*Cathy Mora (Bekimese- makati)

Bumalandra kahapon sa balita ang tagpong ito: Dalawang estudyante-nahuling hubo't hubad sa loob ng kotse.


mula dito ang larawan 

Ang buong balita:


Halos wala nang mukhang maipakita ang 2 estudyanteng ito matapos umano silang mahuling nagtatalik sa loob ng isang kotse sa Barangay Mariana, Quezon City kagabi.

Ayon sa pulisya, nagpapatrol sila nang makita nila ang kahina-hinalang sasakyan na nakaparada sa madilim na bahagi ng 7th Street.

"Kasi madalas diyan ang car-jacking, car-napping," ani ni PO3 Masiding Rinandang.

Laking gulat umano nila dahil hindi carnapper ang nakita nila, kundi magkasintahang walang saplot.

Kuwento ni Rinandang, "Nung ilawan namin, parehong naka-all-the-way, parehong nakahubad."

Imbes na sumama sa mga pulis, mabilis umanong tumakas ang dalawa.
Ilang minuto tumagal ang habulan, pero nasiraan ng gulong ang sasakyan sa may Aurora Boulevard at doon na sila nasukol ng mga pulis.

Sa presinto, aminado ang dalawa sa mga paratang.

Grave scandal ang isasampang kaso laban sa magkasintahan.

“'Yung kotse po ngayon, hindi na po extension ng home ‘yan e, so nasa public place sila,” paliwanag ni Rinandang.
Bukod pa riyan, kakasuhan din sila dahil sa pagsagi nila sa police mobile at pagtakas sa mga humahabol na pulis. 

Ang balita ay mula dito. (Nandyan din ang video)

**
Cathy Mora??? Ang mga kabataan talaga ngayon--masyadong mapupusok! Yes, matanda na ako, 106 na ako in fact. Nung kabataan ko, hanggang holding hands lang kami. Bawal ang PMS hanggat di pa kinakasal. At dyaske!! Sa kotse pa? Juice ko po! Baka ginarote kami ng mga magulang namin pag ginawa namin yan ( Oo, nabuhay ako sa panahon ng mga Hapon! )

Bakit sa kotse nila ginawa ito?
a. Makati pa sila sa higad. Kaylangan kamutin.
b. Thrill seeker sila,bakit ba? Tapos na sila sa terrace, try naman nila sa car!
c. Nagtitipid. Walang pang-motel. Sing-sarap pero di sing-mahal

Sige, ako na ang dalisay! lolz

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment