Silang Mabilis sa Hotdog!

Tuwing 4th of July, sa Tate, may pakontes ang Nathan na Hotdog Eating.

Ngayong taon, nagkaroon ng women version at tinaob ni Sonya Thomas ang kanyang mga kalaban sa pagsibasib ng 40--yes, 40 (lang naman) na hotdog sandwich! Husay! At tinapos nya ito sa loob ng 10--yes, 10 minutes lang naman! Sadyang kagila-gilalas!

Ang babaeng mabilis sa pagkain ng hotdog (drum roll please, Louise!)..

Sonya Thomas!
mula dito ang larawan

Ang kanyang bilis sa pagkain ng hotdog ay nagpanalo sa kanya ng $10,000!

May mga tsismis na madalas syang magpraktis kumain ng hotdog kaya na-master na nya na ito. Wala din daw katotohanan ang mga tsismis na may lubricant ang kanyang esophagus.

Sa mga lalaki naman, wagi na naman si Joey Chestnut na umupak ng 62--yes, 62 lang naman, na hotdog sandwich sa loob ng 10-- yes, 10 minutes lang naman!

mula dito ang larawan

Di daw totoo ang tsismis na peborit ni Chestnut ang hotdog.. at mas lalong walang katotohanan ang bali-balitang malaki ang bunganga nya..

Narito ang kontes..



Im sure, proud na proud ang parents nila!

Ikaw, ilang hotdog ang kaya mong ubusin?

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment