Nung Bata Pa Ako..

Ang sarap balikan ng ating kabataan. Heto ang ilang alaala, paniniwala, pangyayari at kung anu-ano pang eksena mula sa aking kabataan.

Nung bata ako, naniniwala ako sa duwende, kapre at tikbalang. May duwende daw sa ilalim ng kama ng kaibigan ko. Dahil naniwala ako, madalas kong idikit ang tenga ko sa kama nya-hoping na marinig kong magsalita si dwarf-pero wala. Sabi nila may kapre din daw sa isang puno na dating nakatanim sa street namin. Di ko man lang naisip na di kakayanin ng mga sanga nito ang bigat ng kapre kung meron nga doon.


Noong bata ako, manghang-mangha ako sa 'magic' ng TV! Madalas sinisilip ko ang likod ng aming TV, hoping I can see the people in a TV show come alive! Tanong ko, pwede din kayang lumabas si Shaider sa screen? Nagtataka din ako kung paanong di ako tinatamaan ng bala pag may bumabaril sa isang show sa TV.


Ganyan din ang pagkamangha ko sa telepono! Paano kaya dumadaan sa mga kawad ng telepono ang boses ko papunta sa tinatawagan ko? Sinilip ko pa ito sa bintana--sa pag-aasam na makita kong dalhin ng ere ang boses ko.

Dati akala ko pag brownout, titigil din sa pag-ikot ang mga kamay ng aming orasan. De-baterya pala ang wall clock,toinks!

Noong bata ako, kabilang ako sa milyon na naniwala na mabubuntis ang babae kapag nahalikan.

Natuto na akong mamalengke, maghugas ng pinggan, magsaing, maglaba, at magtinda at the age of five!

Noong bagets ako, paborito kong laro ang Scrabble, Millionaire's Game at Snakes and Ladders. Tuwang-tuwa din ako sa Langit-Lupa, 'Prikidam 123', Tumbang Preso, Patintero, Taguan, Piko, Sipa at Siato!


Mahilig din ako maglaro ng multo-multohan, resta-restawran at aral-aralan--teacher ako syempre!

Nagpraktis ako magbasa sa tulong mga komiks. Nagtatago pa ako noon sa cabinet para doon magbasa.

May notebook ako na ang cover ay si Billy Joe Crawford nung Grade 1 ako. Bagets pa din si Billy noon.

May schedule ako ng kung anu-ano nung bata ako. Schedule ng isusuot para sa araw-araw; sked ng oras ng pagbantay sa aming munting tindahan; study schedule; sked ng kung sino ang maghuhugas ng pinggan pag tanghalian at hapunan; pati schedule ng oras ng panonood ng TV, meron!

Super join din ako sa mga singing contests noong bata ako. Pag fiesta, pinapalista ng nanay ko ang pangalan ko. To be fair, madalas naman akong manalo..hahaha! Trivia: Muntik ko ng gawing contest piece ang Chiquitita--pinigilan lang ako ng nanay ko! Wala pa kaming karaoke noon, kaya nagpa-practice lang ako sa tapat ng bentilador!

Noong grade 3 ako, gusto kong maging scientist o kaya inventor. Minsan ko ng kinalas ang body ng laruan kong robot para kunin ang motor nito. Naisip ko, baka makagawa ako ng bentilador mula dito.

Pinaghalo-halo ko din ang alcohol, pulbos at pabango ng nanay ko-sa pag-aakalang makakapag-imbento ako ng kakaibang perfume mula dito.

Minsan ko din sinubukang hiwain ang banana cue stick sa pamamagitan ng blade--muntik ng maputol ang ring finger ko dahil dito- dahil naisip kong gumawa ng Japanese fan mula diyan! 

Tanda ko pa,naglalaro ako ng lobo noon at naisip kong ibato ito sa pinsan kong nagyoyosi that time. Naturalmente, pumutok ang lobo--tanggal din ang bigote nya! Hahaha!

Grade 1 ako ng mangyari ito. Galing ako sa school, kaya't dumerecho ako sa kwarto para magpalit ng damit. Hinubad ko ang brief ko at nagtaka ako dahil akala ko, nasira ang garter nito. Hinila ko--at saka ko narealize na bulate pala ito.Kadiri! Pinurga nga pala ako ng nanay ko noong nakaraang gabi!

Ilan lamang ito sa mga alaala ng aking kamusmusan. Ikaw, anung naalala mo nung bagets ka pa?

Mula dito at dito ang mga larawan

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment