Ang Kapitbahay Kong Talakitok 1: 'Sawang-sawa na Ako'

Madalas ako mabad trip sa kapitbahay namen..Ang ingay kasi.Mahihiya ang bunganga ng bulkan pag sumabog ang bibig nya. Madalas ang laswa pa ng lumalabas sa bibig nila pag nag-iinuman at nalalasing na sila. Dingding lang ang pagitan namin kaya dinig na dinig namin pag may nag-aaway sa kabila. 

Sa totoo lang, dahil di naman ako pala-labas sa street namin ay di ko nakikita kung sino ang nagmamay-ari ng boses ng babaeng laging bumubula ang bibig.

Noong nakaraan lang, rumatatat na naman si Talakitok Neighbor (TN). Babae si TN. Nanay na. Kulot ata ang buhok (tingin ko lang). Siguro nasa mid-40s na o early 50's. At may bunganga na magtataas ang antas ng Guns and Ammos Society.



Eto na, may lalaki akong narinig na pumasok sa kanilang bahay. 

Lalaki: Naka-ilang tiks (text) na ako, di ka man lang mag-reply! (May halong galit ang kanyang boses.)

Inisip ko na baka tauhan ito ni TN sa kanyang tindahan. Nabalitaan ko na may kantina somewhere si neighbor.

TN: O, anu naman??!! (Malakas.)

Lalaki: Tiks ako ng tiks di ka man lang magreply!

TN: O ngayon?? Mamamatay ka ba pag di ako nagreply??? Lumayas ka na dito!!! Sawang-sawa na ako sa'yo!!

Lalaki: (Nahintil) Ganon?

TN: Di lang ako nagreply! Mamamatay ka ba??? Lumayas ka na dito! Lumayas ka na ha.Wag ka ng babalik!!!

Ang bilis ng phasing..hahaha..pinalayas na agad ni neighbor ang lalaki.

Lumayas nga ba si lalaki? Bakit ayaw magreply ni TN? Nakakamatay nga ba ang di pagreply ng tinext mo? Saan hahantong ang talakserye na ito? 

mula dito ang larawan

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment