Hiwalayan, Balikan at Swerte

Usapang syowbis muna tayo. 

Babalik na pala si Claudine Barretto sa bakuran ng una nyang tahanan- ang ABS-CBN. Matapos ngang di kagatin ng mga audience ang mga shows nya sa nilipatang GMA7, heto't pipirma na daw ng kontrata ulit sa ABS-CBN si Clau.. E kasi naman, wrong move naman talaga ang lumipat sa Siyete.

Balita ko, niluluto na din ang pagbabalik ni Jolina sa ABS-CBN. Mukhang sasabay pa ito kay Claudine..May balak daw pagtambalin sina Jolina at Gabby..Anu ba yan joke?! Saan naman? Sa remake ng PS I Love You?

Eto pa ang ikinahintil ko, 2 months na din palang hiwalay sina broadcaster Korina at former VP bet Mar. Marami daw silang di napagkakasunduan kaya't pinili na lang nilang maghiwalay ng landas. Hayst..

At ano ito, Jessica , may offer din sa TV5? Mukhang inu-unti-unti na ng TV5 ang mga 'brilliants of the brilliants' ha. Well, sakali man tumalon nga si Jessica sa kabila (makakatalon nga kaya?!) aba'y sya na ang magiging reyna ng news and current affairs ng nasabing istasyon!

Narinig nyo na din ba? Maria Aragon, the you tube sensation has been offered a singing contract by Star Records! Wow, patok yan tiyak..

Ewan ko din kung totoo, nililigawan daw ulit ni Baron si Jodi. Di ko alam kung paanong nagagawa yan ni Baron dahil ang alam ko nasa rehab sya ngayon. Sabagay, wala naman imposible ngayon.. may alam nga akong nakakulong e nakakapag-party pa sa loob!

At sa good news naman..

Pag siniswerte ka nga naman.. Nakabili ang kapatid ko ng INNOVA sa halagang 100k lang.. POTEK talaga,2009 model yun! Magma-migrate na kasi yung friend nyang may-ari, kaya binenta na lang sa napakamurang halaga.

Maswerte din ako dahil nakabili ako ng 2 IPAD for only 20k!Hahaha..At di ito clone ha.. ORIG!Kung gusto nyo bumili, i-refer ko kayo sa binilhan ko!



Oo nga pala, April 1 ngayon.. Naniwala ka ba? Happy April Fool's Day! =)) 

At dahil diyan, nais kong iwanan sa inyo ang makabuluhang statement ni Marlene Aguilar:

Mayaman kami e..at kung kailangan ng SEX ng anak ko, I'll pay for it!

Winner!hahahaha!

photos from herehere and here

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment