Bad Trip!


Nakaka- bad trip pag nasa jeep, yung mga nakikipa-abot ng bayad di man lang marunong mag ‘thank you’. Mas nakaka badtrip yung mga inutil- 2 lang kayo sa jeep, malapit sya sa entrance, nasa may left ka nya at sa’yo ipapa-abot yung bayad nya! Baldado?!

Nakaka- bad trip si Manong Driver na bingi pag ‘papara’ ka na pero malinaw ang tenga pag magbabayad ka.

Sa LRT, nakaka-bad trip yung siksikan na, dinadaganan ka pa ng mas malaking tao kesa sa’yo. Pare-pareho lang tayong nahihirapan tumayo kaya matuto kayong bumalanse habang umaandar! Wag nyong daanin sa laki!

Bad trip na bad trip din ako sa mga dugyot na mahilig dumura sa kalsada at ginagawang napakalaking basurahan ang mga kalye. Sana magkaroon ng batas na ang lahat ng mahuhuling gumagawa nito ay putulan ng dila at kamay!

Super bad trip din ako sa mga corrupt, mga tamad at makukupad na empleyado ng gobyerno. At wala ng mas nakaka-bad trip pa sa mga taong gobyerno na mga adik, at pumapatay ng tao na ipinagtatanggol pa ng mga kapwa nila halang ang bituka.

Bad trip din yung naka-impake ka na, excited ka sa pupuntahan mo, dumating ka ng alas-singko ng hapon en punto sa assembly place nyo PERO umalis na sila dahil 5am pala ang lakad nyo.

Nakaka- bad trip din yung magyayaya kang mag-punta sa rest house nyo sa  Tagaytay tapos pag tinanong ka kung bakit ka nagyayaya,sasagot ka ng: “Kasi I want to be alone”. Mas nakaka-bad trip yung thought na wala din naman talaga syang ‘rest house sa Tagaytay’..Makapag-yabang lang..hayst

Bad trip din yung ang dami mong sinabi mo sa text, kulang na lang mai-feature sa MMK ang istorya mo sa haba ng message mo tapos ang reply nya lang ay 'K'!

Sa FB, nakaka bad trip ung, ikaw na ang nag-post, ikaw din ang nag-like? Post mo, like mo???

Nakaka-asar na din makakita ng mga lalaking naka-taas ang kwelyo. Uso yan some 3-4 years ago pero mag-ganyan ka ngayon, nakaka-bad trip ha! Yung totoo, may libag ba batok mo?

Bad trip din pag naglason ka ng mga daga-nalason naman sila pero kung saan-saang sulok sila mamamatay. Tumambling na ang bahay pero di pa din Makita ang kanilang whereabouts-ang tanging iniwan nila ay isang nakakasulasok na amoy! Sa mga daga, kung malalason kayo at mamamatay, siguraduhin nyong madaling matatagpuan ang inyong bangkay para madali kayong maitapon..please lang!

Bad trip ako sa mga nagmo-motorsiklong may saping IPIS. Sila yung singit ng singit hanggat may espasyong pwedeng singitan. RED na ang stoplight,Go pa din ang mga loko! Nasa sidewalk ka na, dun din sila sisingit. Pag nasagasaan ka, ikaw pa ang may kasalanan! Bwiset!

Naba-bad trip din ako sa mga pa-sweet ni Ate Shawie..Lahat na lang love nya, lahat na lang nami-miss nya..Parang di na totoo.. At syempre mas nakaka-bad trip naman ang kahambugan ni Willie.. At mas nakaka-bad trip ako dahil pinapanood ko pa din sila minsan para ma-bad trip ako!Wahahaha!

Nakaka- bad trip dahil ang dami ko palang kinaka bad tripan.. hmmmm..



Ikaw, san ka naba-bad trip? 


About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment