Sagot sa Tula ni Joey de Leon

I saw this in MULTIPLY ( from BLIZ' site ):

Ito naman ang isang tula ng OFW sa Qatar na nagmamalasakit kay Willie Revillame - sagot sa tula ni Joey de Leon na mababasa sa ibaba: Paki forward daw ito kay Joey de Leon.

HOY JOEY DE LEON!

Hoy Joey, bakit ka ba nanggagalaiti
Sa inggit kay Willie Revillame
Lagi mo siyang hinahanapan ng butas
Patsutsada mo sa kanya ay madalas.

Hindi ka namang pinakikialaman
Ikaw itong dakdak ng dakdak
Tulo laway ka sa kanyang kinalalagyan
Napagiwanan ka na niya kasi ng milya milyang kasikatan.

Hoy Joey kaparis mo'y donkey
Nag sorry na nga itong si Willie
At tinanggap din naman ng pamilya ni Cory
Ngunit ang bunganga mo'y mapanghi.

Hoy Joey nagmamalinis ka lagi
At ginagawa mong itong si Willie'y marumi
Limot mo na ba ang panghahalay mo kay Pepsi Paloma
Kasama mo si Vic at Richie D'Horsey.

Hoy Joey laman kayo sa lahat ng diyaryo noon
TV at radyo at kalabos sa Krame ika'y natameme
Masahol pa ang pangyayari
Kaysa sa ginawa ni Kho kay Halili.

Akala mo yata limot na ito ng sambayanang Pinoy (hindi hoy!)
Lalo na sa mga kabataan di nila alam ang pangyayari
Ngunit ito'y paalaala sa iyo lamang
Hoy Joey sa iyong sariling kasalanan at kalaswaan.

Hayan tinamaan ka na Joey de Leon!
Dinadaan mo pa ang inggit sa patula-tula!
Akala mo yata hahangaan ka
Hoy hindi ah kaya si Willie'y tantanan mo na. Period.

*****

So there!

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment