Harbat, Hablot, Habol - The Filipino Rambler

Updates

Home Top Ad

Post Top Ad

Responsive Ads Here

Friday, July 31, 2009

Harbat, Hablot, Habol


Kahapon,nag-aabang na kami ng jeep pauwi ng officemate ko sa J. Victor St. (likod ng Pasong Tamo) ng may komosyong naganap..

Labinlimang tumbling mula sa kinatatayuan namin, dalawang babae ang humihiyaw habang hinahabol ang dalawang lalake. Sa una'y aakalain mong away mag-dyowa ito. Pero nung nasa aktong hinahablot na ng babae ang tshirt nung isang lalake, naisip ko ng hindi away ito.. May dalang laptop ang lalake..itsurang inagaw mula dun sa babae!Scary!

Di na nagawa pang mahabol ng mga babae ang mga kawatan dahil sa di kalayuan ay dalawa pang lalaking sakay sa tig-isang scooter ang nakaabang sa di-kalayuan. Mabilis na umangkas ang mga hinayupak at wala ng nagawa pa ang mga pobreng babae..Ginamit ng get-away vehicle ang mga motor!

Pucha! Super kabog ang dibdib ko..Nakita ko pang dumaan sa harap namin ang mga naka-motor na yun! Di ko nga lang napansin ang mga itsura nila..

Sa aking pagsisiyasat (tsismoso lang po),nakatayo sa labas ng isang salon sa tabi ng NTT Hotel ang mga babae..Mukhang natiktikan ng mga hinayupak na kawatan na iyon ang dalang laptop ng mga nasabing babae.. Peso sign sa mata ng mga magnanakaw! Nasa loob pa ng laptop bag, pero mabilis na nakuha ng mga kumag na iyon!Nakita ko pa ng malaglag ang cord ng laptop sa pagmamadali ng mga snatcher!

Kung nahabol at nahablot sana ng mga babae ang damit ng lalaking nangharbat ng laptop habang sakay ng scooter, malamang nasakote pa sila.. Siguro, sa kabiglaan ng mga tao ay di na rin nagawang tulungan ang mga nanakawan..

Hay,kung ako ang presidente papuputulan ko ng kamay at paa ang lahat ng mahuhuling magnanakaw para di na umulit! Ang kakapal ng mukha! Kay lalaki ng katawan ay kay tatamad magtrabaho.. Pakikinabangan na lang ang pinaghihirapan ng iba! At syempre, dapat bigyan ng trabaho ang lahat para wala ng maginteres sa pag-aari ng iba!

Gagawin din ba yan ni Mar o ni Villar o ng sinumang Herodes na tatakbong Presidente?Umpf!

Post Bottom Ad

Responsive Ads Here

Pages