Samu't sari sa LRT 9: Tambolina Nicolas

Tahimik at di masyadong marami ang tao sa train na nasakyan ko kahapon..sa sobrang luwang,may room para tumambling =)

Nagmumuni-muni ako sa aking mga mumunting pangarap ng bulabugin ang peace of mind ko ng dalawang pasaherong sumakay sa Central Terminal Station- isang babae at isang..ammm...tomboy.

Babae: E baka nga ayaw nya na nagdidikit ako sa'yo.

Tomboy: Bakit ba?Sabay lng naman tayo umuwi o kaya kumain,may masama ba dun?

Babae: Aba, malay ko dun.. Talagang mang-intriga ba?!

Tomboy: Kung tutuusin, di naman sya maganda..(may isang babae ata silang pinag-uusapan)

Aco: (balloon) May ganyan? Personalan na ito?!

Tomboy: Kasi kung maganda sya, e di sana niligawan na sya ng mga lalaki sa atin..Madami din naman gwapo sa atin,diba?di ba?

Aco: (balloon) Aminin, ampalayang ginisa sa itlog ang tinanghalian...may halong pagka-bitter ang statements..nyahaha

Tomboy: Tingin ko nga parang easy to get din sya

Aco: (balloon) aawww!!!

Tomboy: Bakit ba kasi di nila pedeng tanggapin na mag-best PREN tayo?!di ba?di ba?

Babae: E kasi nga di red ang dugo nila--berde..laging binibigyan ng malisya ang kilos naten..

Aco: (balloon) Buti pa ako blue ang dugo ko..Royal blue..harharhar

Tomboy: Mag- best pren nga e..syempre lagi tayong magkasabay..

Aco: (Balloon) Bakit may halong- ka-switan ang tonong yun.at parang may nakita pa akong fireworks sa mata ni Tambolina nung sabihin nya ang mga words na yun..hmmmm...Pag-ibig na ba yan?!

So there...

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment