Misteryo ng Hapis

I received this email 2 days ago:

GUSTO KONG MAGING SENADOR NG PILIPINAS



ANG SARAP MAGING SENADOR!

Miriam Defensor Santiago was featured in Correspondents last week.

Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador MiriamDefensor-Santiago.

Ayon kay Santiago, marami ang tumatak-bong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang samilyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies atDomestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ngKomite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon,awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyonsa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mgaSenador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang angkanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 langang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR! ! !

PLEASE FORWARD TO AS MANY OF YOUR FRIENDS AND LET THE WHOLE COUNTRY KNOWTHAT ELECTION IS MORE OF PUTTING AMBITIOUS PEOPLE IN POSITION WHO AREGREEDY IN POWER, WEALTH & PRESTIGE THAN OF PUBLIC SERVICE... ANG MASAKITPA PERA NG BAYAN PARIN GAGAMITIN SA ELEKSYON MALUKLOK LANG SILA SA PWESTO!!!

Saklap di ba?Minsan nawawalan na ako ng pag-asa sa sistema ng politika sa bansa natin..Everyone wants to be in power to accumulate riches! Bihira na ang may pure intention to really serve the nation and its people. Ang mga mahihirap, mas lalong naghihirap!

Yesterday, this picture is the front page of Manila Bulletin.



Sad how these kids would stay under the sun in order to get an education.
At anung ginagawa ng mga nakaupo sa gobyerno?! Imbes na tulungan ang nararapat,nagpipiyesta sa sex video! May panahon pang talakayin at bigyan ng oras ang mga bagay na yan kesa mas importanteng mga bagay.
Our government has lost focus. If the same kind of people will continue to be this nation's leaders, we'll continue to experience all these dreaded scenarios- or maybe, even worse!=((

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment