Sana..

I was browsing my lil organizer last night reviewing my plans for this year. September na- 8 months already passed.So far naman,marami ng accomplished sa mga sinulat kong target plans at the start of the year.

Regular na ako sa work at nag-increase naman kahit paano ang sahod ko. So far,OK naman ang performance ko sa work and consistently good ang number of deployments ko.I am able to settle na rin naman my credit card purchases. Natigil na rin ang sandamakmak na gamot na iniinom ko-after coming from an operation during the last quarter of '07..Praise heavens!

Yet to be accomplished ang mga trips to Bangkok,HK, Bora and Sagada-medyo mukhang malabo ng konti ito pero who knows?I still have 4 more months and baka mangyari pa yan..Sana..trip ko rin bumili ng laptop at portable DVD.

Thinking-dahil medyo 'kebs mode' na naman today- andami ko pang SANA'S na gustong mangyari..

Sana ma-approve na ang request ko sa BDO na i-close na nila ang credit card ko sa kanila!I'm planning to settle my balance na with them pero for approval pa raw ang closure.Kaasar di ba?Buti nga di ko sila tatakbuhan..

Sana makahanap din ako ng murang video card tomorrow.Linsyak!Kaya pala ayaw ng gumana ng PC ko sa bahay,kailangan na ng new vid card..e ang mahal kaya nun!

Sana,dumami pa ang ma-deploy ko for this month-gusto ko sana mga 8!I want this to be a record breaker sa company..8 deployments in a month!

Sana matuloy na ang small business venture na naisip ko.Excited na nga ako! I want the take off this month!

Sana yumaman ako ng todo-todo!As in filthy rich!LOLZ! Gusto ko kasing makatulong sa mga kamag-anak namin. I want a more comfortable life for my parents. Pag mayaman na mayaman na ako,i'll share the blessings sa mga kapatid din nila para lahat happy.I'll put up a pre-school which is free para sa mga bagets. I'll set up a formation house for free para sa mga youths.I'll support the church for its advocacies and projects.O di ba,for a good cause naman ang gusto kong pagyaman!

Marami pang sana..

Sana manalo ako sa lotto-that's the fastest way to be rich..hehe

Sana itigil na ng friend kong si Jomar ang ilusyon nyang isa siyang Dyosa-kasi di naman talaga!

Dyosa?!
Sana mamulat na si Reg na hindi 32" ang bewang nya at nag-eexist ang word na DIET.

32" daw ang bewang?!
Sana magkasama na sina Cang & Romell sa BKK dahil alam kong matagal ng nami-miss si Romell ni Cang-and sana magka-baby na rin sila soon!Mabisita ko sana sila dun one of these days.

Cang & Mel-all smiles
Sana matauhan na si Bayani Feranado sa kagustuhan nyang maging presidente ng Pinas!Pls lang!

for President?!
Sana matigil na nag network war ng ABS at GMA!Sobrang affected na kaya ako!LOLZ!Tumigil na din sana si Joey de Leon sa childish antics nya ng kakatira sa kabilang show.Nakakaasar na kasi sya.

Sana si Liezel o si Laarni ang manalo sa PDA.

Sana magsimula na ang Ugly Betty Season 3.I'm so excited and I just can't hide it!

Sana magkaron ng re-run ng mga fave shows ko noon tulad ng Pinoy Thriller, Tatak Pilipino at Ora Engkantada. Makabili din sana ako ng copy ng mga fave classic flicks kong Insiang,Kakaba-kaba Ka Ba?, Shake,Rattle and Roll I at The Boatman.

Sana matigil na ang kare-remake ng mga pelikula sa teleserye.PLS ulit!What happened na ba sa mga creative think tanks ng mga TV stations?

Sana magkaron na ng special lane para sa motoristang alang disiplina sa kalsada.Parang mga ipis yang mga naka-motor na yan na bigla na lang sumisingit kahit sa pedestrian lane na!

Sana dumami ang mga ticket slots sa MRT Magallanes station going to Taft.Lagi na lang mahaba ang pila sa bag inspection pa lang na umaabot na sa pila ng jeep papuntang PRC!Calling MRT management!

Sana umunlad na ang Pinas.Ala ng taong nagugutom,di nag-aaral..Ala ng mahirap,dayukdok o kuyagot..Magkaroon na ng trabaho ang mga wala..Makonsensya na sana ang mga hinayupak na corrupt officials sa bansa nating mahal..

Andaming sana (tagalog ito)..so many wants (in english).I wanna fly kite.I wanna play with my kids.I want to be complete..=)

At sana..sana nga..mawala na ang eye bag ko.. SANA..'hikbi'

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment