'yung masaya naman!

Haist!Ang daming nangyayari sa Pinas!Ang dami-dami!..mga 7,605!(nabilang?!) And daming nasalanta ng bagyong Frank..Ang daming namatay sa paglubog ng MV Princess of the Stars. Sinisisi ng Sulpicio ang PAGASA dahil pinayagan daw sila mag-sail despite the bad weather..Ihahabla daw ng Del Monte ang Sulpicio dahil alam naman daw nila na toxic ang kinarga nila sa barko. Walang kabuhayan ang mga nasa Romblon kasi maraming takot makakain ng isda na may endosulfan. Ang dollars, P45.55 na ulit. Ang gasolina umabot na sa mahigit kumulang 15 beses na pagtataas. Ang presyo ng bigas,OA na din. Ang pamasahe sa jeep tataas na rin- pero ang sahod natin,ganun pa din. Saklap!

Nagkaroon ng G8 (?) Summit sa Japan at pinag-usapan nila ang global warming, oil price and other commodities hike at food conservation..Well, di lang saten taghirap ng pagkain- halos buong mundo nararanasan ang problemang iyan! Ironically,habang pinag-uusapan sa summit na ito ang food preservation,19 courses meal(lang naman) ang hinain para sa mga delegado! Accordingly,they have to fly 50 chefs for this event! And they are talking about FOOD PRESERVATION!!Umpf!!

Sabado pa (July 5) ng mawalan kami ng dial tone sa telepono. I already called the customer service hotline of Eastern Telecoms last Monday para maayos na ang problemang ito pero as of yet,ay wala pa ring aksyon! I requested for a rebate para sa mga araw na hindi ko napapakinabangan ang phone namin dahil ala ngang dial tone. Parang ayaw pa ngang gawan ng request ng CSR kaya nag-init ang ulo ko ng konting-konti.Im not paying for nothing no!!Ang hirap sa mga kumpanyang yan,ang bilis mamutol ng linya isang araw ka lang ma-late ng payment pero isang taon bago umaksyon pag sila naman nag namerhwisyo!! Nasaan ang katarungan?! NASAAN?!!

Eto pa ang balitang ikinalungkot ko nitong nakaraan.. Dalaga ni-rape ng 20 classmates sa eskwelahan sa loob ng 3 araw!!HUWAT!!!3 days silang nandun,at ala man lang guard na napapadaan.. Allegedly, nag-iinuman at nag-pot session pa raw ang mga accused.Hay,eto na ba bagong anyo ng kabataang Noypi??? At ang latest..si Romulo Neri na ang recently appointed SSS chairman.Goodluck sa mga SSS contributions naten!Haist..

Problems,problema,problemo..With a lot of chaotic things happening sa PILIPINAS nating mahal,parang hirap ng humanap ng bagay na magpapangiti man lang saten.. Salamat na lang at may you tube..yes..YOU TUBE! Nakakita ako dun ng mga kaganapang nakapag pangiti at nakapagpahalakhak sa akin.. Nood na!



Halos matumba ako sa upuan ko kakatawa dito..



..the talent to beat!!

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment