Pansin ko..with subtitle MML (may masabi lang)

Sa tuwing lalakad ako papunta sa sakayan ng jeep pagbaba ng MRT Magallanes, di ko pedeng di mapansin ang sanrekwang 'dura' sa dinadaanan ko.practically every step may dura.nakakaasar lang yung thought ng bukod sa di magandang tingnan at nakakadiri,kailangan ko din gamitin ang skills sa luksong tinik sa kaiiwas sa kadiring dura na iyon!

kagabi,pauwi na ako at kabababa lang ng lrt nang isang babae sa unahan ko ang parang Olympic winner na dumura ng napakalayo!aba'y kung contest yun,tiyak sya ang nanalo!gross talaga!just imagine,she's in corporate attire pa ha!napaka-unbecoming!well,siguro, di na kaya ng lalamunan nya ang namumuong kung anuman duon kaya walang kaabog-abog na dinura na lang..hay..lungkot..

kung di rin lang ako late papuntang work, mas gusto kong maglakad-lakad kahit sandali..exercise na din kahit paano..hindi ako mahilig luminga sa paligid ko pero may ilang bagay na hindi pedeng makahuli ng aking attention..

andyan yung kapitbahay naming bata na madalas kung nakikita na nagbabantay ng konti nilang tinda ( balut ata).ok naman na at her early age tumutulong na sa parents..pero im sad din kasi alam ko she has to sacrifice her playtime or study time because of this.

meron din akong madalas makita na matanda sa 5th ave. station ng lrt..mula college madalas ko na sya makita dun..1 time nga,i bought him pansit and banana..tagal ko ng balak gawin yun e!im glad na kahit pano i was able to bring him joy.his smile was more than enough..

it was my first time to wear our office uniform kanina-kahapon lang dumating ang uniform ko..inangkat pa ata sa Ingglatera ang mga tela kaya inabot ng pagkatagal-tagal bago nadeliver.( sa kasalukuyan ay hinahanapan pa din ng tela sa Germany ang isang pares ng uniporme ko kaya maswerte na kung sa pagsapit ng ika-apat na pagbilog ng buwan ay maideliver ito!) sabi ng father ko,tumanda daw ako tingnan sa suot ko..

pansin ko din,pabata ng pabata ang populasyon natin..o baka naman ako talaga ang patanda ng patanda!

i cant let a day pass without watching the news..parang kulang ang araw ko pag di ako nakanood ng balita..but lately,pansin ko,ok na kahit di ako makanood ng news..naririndi na kasi ako sa paulit-ulit na balita about our depressing politics..(see my entry Spread Love)

ewan ko ba,sa sobrang walang tigil na ang bangayan saten,naghahanap na ako ng balitang maganda naman!basta ang feeling ko,the world will condemn na our country for another people power.we have abuse its natural sense pag nagkaron na naman ng isa pa!ibig sabihin lang,wala na tayong natutuhan sa nakaraan and its only indicative how unstable our government is..

easy to point fingers!easy to accuse anyone of anything!there's erap making parinig na he's ok to seat again as president..nakalimutan na ata nya na pinatalasik na nga sya minsan..there's jdv pointing fingers to gma for anomalies..pero nakalimutan na ata , dahil nilaglag na sya ng 'kaibigan' nya, na sya din may mga ginawang anomalya..

sa dami ng nagpapansin sa tv for exposure(in preparation for 2010 elections probably), nakakaasar na silang panoorin!patuloy na bumabagsak ang movie industry dahil mas mahusay umarte ang nasa gobyerno..hehe..pustahan,gagawin na ang life story ni lozada at gaganap for the role- si jinggoy; ang gaganap na neri-si bong!blockbuster!

ang mga sumusunod ay mga salitang hindi ko pede hindi mapansin..galing ito sa text message ng friend ko and im sure,kayo din ay nakapansin na rin sa mga salitang ito sa paggagala sa paligid..

1.bawal omehi dito.ang maholi bogbog tsaka molta 1000

2.don't parking

3.wanted:boy waitress

4.ponkan:5 pesos per each

5.sweat corn.may luto.

6.ukay-ukay.more on the 2nd floor upstairs.

7.sorry we're close.lunch brake.

8.no urinating over the walls.

9.tol box

10. we refair electric pan

..ito ang mga napapansin kong hindi nakakarindi..bagkus(tagalog ito!), nakakatuwa!

..world peace!(ulet!)

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.