kahilo

Nakakahilo ang linggong ito!

Paguwi ko last monday after office,my mom told me na baka maconfine daw ako ulit.( I had an operation last october 20,2007 and the doctors are still monitoring my case)..nahilo ako sa balita at itinulog ko na lang ang di magandang news na yan.

the following day,i called my surgeon and he told me to visit them at st. lukes immediately..d lang ako nahilo,muntik pa akong himatyin sa thought na baka maconfine nga ako..pray..pray..pray..

wednesday,nakalimutan kong baclaran day..ang aga pa lang ay sandamakmak na ang tao sa lrt..nahilo ako sa dami ng nagmamadali.literal akong nahilo sa katabi ko dahil kahit itsurang bagong ligo sya ay nakakahilo ang amoy nya..kasing basa ng buhok nya ang kilikili nya!!kahilo!

thursday ang sked ko sa st. lukes..i was advised to have an appointment first so maaga pa lang ay pumila na ako sa opd to get a schedule..alas otso ng umaga ay mahihilo ka na sa dami ng nakapila!patience is a virtue..pila lang talaga ng mejo matagal..pagdating sa loob sinabihan ako na di na kailangan ng appointment since doctor ko na ang nagsabing magkikita kami that day!!nahilo ako sa sinabi nya!gusto kong ispinin ang doctor ko dahil nasayang na yung half day ko..

pagdating ng hapon,pila pa din..mas mahaba pa yung pinila ko sa ikli ng sinabi ng doctor..i need another culture of my wound..pila sa cashier.pinapunta ako sa pathology para kunin yung code ng lab..pila ulit para lang magpa-code..pila ulit sa cashier..balik ulit sa pathology para gawin yung test!!kahilo!!alas singko na ng matapos ako sa st.lukes!!!hilong hilo na ako!!!

kanina,maaga akong umalis..mejo di pa karamihana ng mga tao pero nahilo ako dun sa isang taong pumasok nung nasa mrt na ako-sa kakapusan ng concealer ay powder na lng ang ipinahid nya sa dark areas ng eyes nya!nagmukaha siyang zombie!!kahilo na.katakot pa!!

tonight ill be meeting some of my elementary classmates for a get together.malamang sa dami ng gagawin ko today,mahilo na ako!!

salamat at may bonamine..kontra hilo!yun na!

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment