crazy gadgets!!

Pansin nyo ba,everyone's crazy bout gadgets and appliances!!latest cp's,psp's,ipods at kung anu ano pa!..what's crazier ay ang mga features nito!!

i remember when I was a kid,pag may game and watch ka-panalo ka na sa mga friends mo.pag may walkman ka,mayabang ka na nun!nung high school naman ako,discman at pagers na ang uso!maangas ka na pag meron ka nun..you can always watch your fave flicks sa vcd player or laser disk player.sa mga mahihilig sa kantahan,there's always the karaoke..

kaaaliw how these technologies evolved and how they continue to amaze most of us!
ang vcd players ,passe na!andami ng nagsulputang dvd players na mabibili mo ng 3 isandaan sa quiapo ..hehe..di na din uso ang mga discman dahil meron ng ipod ngayon!ang karaoke,videoke machines na at idagdag mo pa ang magic sing nina regine at pacquiao.

just imagine,bka maimbento na din ang ipod slash videoke-sasaksakan mo lng ng mic-ok na!!at ang ikakatumbling mo,iiskoran ka din pagkatapos mo umawit!

sa ngayon kung betamax pa din ang gamit mo,malamang sa liblib na lugar ka pa nakatira.dahil uso na ngayon ang mga lcd tv's at portable dvd's!

bihira na rin ang may beepers at pagers dahil sa sandamakmak na mga celfon units!and mind you,practically every month ay may bagong features ang mga cellphones!May radio,calculator,may camera,mp3 player at pede ka na din manood just like a tv!

I've always been amazed sa magic ng cellphones..paanong pag nagtext ka ay nasesend ito sa katext mo?nililipad din ba sa ere ang mga letrang tinype mo?kaya pala kanina ay may lumilipad na smiley sa 16th floor ng building namen..hehe..dati pangtawag lang ang cellphones pero sa dami ng features nito,maloloka ka sa mga pede mong gawin.

di na ako magtataka kung sa susunod ay maimbento na rin ang tv na may features ng cellphone..using the monitor as your screen,pede ka ng magtext by clicking the letters sa remote control..pag may call naman,sobrang linaw naman na maririnig mo ang boses nya dahil naka- woofer pa ang tv mo!panalo diba?

pede ding ang digicam mo naman ang may cellphone features!o kaya ang ipod,ipangtawag mo na din!there are limitless possibilities!

baka dumating na din ang panahon na sa plantsa na tayo manonood ng favorite shows natin o magtext using washing machines o magfax using the blower o magcheck ng mails using the rice cooker!

pag naimbento na ang mga yan,talagang ta-tumbling na ako sabay split una kuko!!

hay..what an insane world!!what an insane me!!

About Allan Bough

Allan works full time as a Recruitment Head for an IT Solutions company in Makati and juggles blogging along side. He’s fond of travelling, a certified beach and nature lover and would want to explore more of Earth’s riches. A former community theater director, a pre school teacher and a frustrated Star In A Million contestant, Allan hopes of conquering the big stage for a spotlight one day. Conversation and people are his passion.
Post a Comment